Saturday, August 24, 2013

Epic Fail 101 : Akala mo Crush Ka ng Crush Mo!


Minsan ba na-feel mo na may gusto rin sa ‘yo ang crush mo? Yung tipong gusto mo ng gumawa ng first move para madevelop kayo sa isat-isa. Naku! Teka. Hinay-hinay lang baka naman ang inaakala mong pagtingin niya sa ‘yo ay wala naman talaga. Baka naman it’s all in your mind. Baka naman masyado ka lang kung makapag-bigay ng meaning sa mga bagay-bagay. Pero ano nga ba ang mga dahilan kung bakit minsan, akala mo ay crush ka din ng crush mo?

http://pad1.whstatic.com/images/thumb/a/ae/Escape-the-Friend-Zone-Step-5.jpg/550px-Escape-the-Friend-Zone-Step-5.jpg

1. Love at first sight, eh Love at 2nd sight kaya?

May crush kang isang tao at one day nahuli mo na lang ang crush mo na nakatingin sa ‘yo. At bago ka pa man tumingin sa kanya eh nakita mo na siyang naka-sulyap sa ‘yo. And Yes! Todo kang kinilig. At dahil jan lumingon ka uli, at confirmed sa 2nd mong tingin na talagang tinitignan ka niya.

At this moment di pa kayo magkakilala pero ikaw kilalang-kilala mo na siya, mula ulo hanggang paa. Mula sa mga hobbies niya at mga favorites niya. Finofollow mo pa nga siya sa twitter niya eh at na-add mo na rin siya sa FB niya, pero siya hindi siya aware.

Thursday, August 22, 2013

Malas o Suwerte?:The Job Hunting (Part 1)


Naniniwala ba kayo sa salitang malas? At salitang suwerte? Ako hindi! ….Dati! . . .
. . .pero ngayon napatunayan ko na yung mga words na ito ay talagang  present sa paligid.

I-share ko lang sa inyo ang mga experiences ko sa pag-aaply ko sa trabaho.

http://www.barbaraleung.com/wp-content/uploads/2011/03/job-hunt.jpg


Last year October 2012 ng matapos ang board exam ay todo na ako sa job hunting. Pero habang nag-rereview pa lang kami ay naghahanap na ako ng trabaho dahil sa isang sobrang lalim na rason. Pero hindi ito financial…HAHA


Lahat ng inaaplyan kong kompanya ay lagi akong pumapasa, umaabot pa nga ako lagi sa final interview at job offer. Yung tipong mamimili na lang ako kung saan kong kompanya gusto. At siyempre dun ako kung saan mataas ang offer. . .


Sa final interview ko sa napili kong kompanya, ay todo-todong late ang inabot ko. Salamat sa traffic sa EDSA! Pero nakarating ako sa kompanya kaso I’m too late na! 8 am ang call time pero 9 am na ako dumating. At ang sabi pa ng guard sa akin, “Ano ba oras ang interview mo?”. “Alas-otso po!, natraffic po kasi ako eh.”, sabi ko. At alam ko naman na hindi excuse ang traffic.


Monday, August 19, 2013

Ano ang Pinakamasakit na Goodbye…??



Sunday night ng pumunta ako sa bahay ng pinsan ko. At nagulat ako ng  malaman ko na nagbabasa pala siya ng blog ko. Nagpost kasi ako ng link ng isa sa mga posts ko from my blog sa FB ko, pero hindi ko inaasahan na binasa niya rin yung iba (at nahiya naman daw ako and felt this awkwardness, pero ok lang…HEHE). She asked so many questions about the real meaning and the real story behind my posts. And she got what she wants. Kinuwento ko sa kanya lahat-lahat pati ang mga hidden messages at meaning ng mga posts ko.




And out from nowhere bigla niya akong tinanong. “Kuya! Anong mas masakit? Yung goodbye na di pa naririnig ng tenga mo pero naramdaman na ng puso mo? O yung goodbye na sinabi sa ‘yo ng harapan?”. (At naalala ko yung image na inatach ko sa isa mga posts ko na may kataga nan. Sure akong doon niya nabasa yun.)


Pero walang ano-ano at sumagot agad ako with conviction (sa pinadaling salita ay parang may pinag-huhugutan..HAHAHA)! Sabi ko.. .


 “Siyempre  yung una! Yung goodbye na di pa naririnig ng tenga mo pero naramdaman na ng puso mo. Yun bang hinihintay na lang yung pagsuko mo. Yung hinihintay na lang na mag-giveup ka, kasi siya matagal ng sumuko . Ayaw niya lang bumitaw kasi ayaw ka niyang masaktan. At dahil ayaw ka niyang masaktan, ayaw niya na mang-gagaling sa kanya ung first move na makipag-break.”


……”ayaw niyang siya yung mag-mukhang masama. At masisi at makonsensya dahil siya yung dahilan kung bakit ka ngayon nagkaganyan.”,follow-up ko pa.


“Oo nga kuya! Ayaw nila na sila yung masisisi sa huli. Ayaw nila na sila yung mag-mukhang masama. Kaya ang gagawin nila hihintayin nila na ikaw na yung mismong mag-sawa at mag-give up. Yung ikaw gumagawa pa ng paraan para ayusin yung relasyon niyo, pero siya gumgawa talaga ng paraan para bumigay ka na. Para ikaw yung unang makipa-break.” , sabi niya na parang may pinaghuhugatan din. At bigla niya pang dagdag. . .

“Pero para sa akin kuya, mas masakit yung goodbye na sinabi ng harapan……….”. At di ko na matandaan yung mga sunod niya pang sinabe. Pero lahat yun alam kong may sense at naramdaman ko talaga. Nakalimutan ko man yung mga words at thoughts na ginamit niya, pero alam kong pumasok lahat yun sa sistema ng bawat brain cells ko.


Pero napaisip din ako bigla. Natigilan ako. Napatanong ako sa sarili ko, “Ano nga bang mas masakit sa dalawa?”. Pati ako nahirapan na ulit sagutin yung tanong niya.


Sa totoo lang parehas lang naman talagang masakit yan. Ano mang form yan, or ano mang way sinabi o pinaramdam yan. Eh GOODBYE at GOODBYE pa rin yan. For good na! No turning back! And it’s final and irrevocable. No 2nd chances!


Parang pakiramdam yan ng panonood ng paborito mong telenovela na alam mong magtatapos na. Hindi mo alam kung bakit ka nalulungkot. Nalulungkot ka ba dahil hindi mo na mapapanood yung araw-araw na istorya na tinutukan mo? Or dahil hindi mo na makikita ang mga favorite characters mo, na minahal at naging bahagi ng everyday na buhay mo? Or nalulungkot ka dahil sa naging ending ng telenovelang super tinutukan mo? Tears of joy ba ito? Or tears of sadness?


Kahit ano pa yan let’s face the fact na lahat ng bagay will come to its ends whether we like it or not. Ang importante, kahit ano pa ang naging ending  ng telenovela na yan, alam mong napasaya at napagaan nito ang loob mo. Alam mong madami kang natutunan at kahit paano alam mong nag-enjoy ka. Umiyak ka man sa ilang episodes nito. Naging malungkot man ang ending nito. What matter, is yung mga magagandang memories and lessons na babaunin mo forever sa buhay mo.  


At wag kang OA hindi yang ang huling telenovela na mag-papaibig sa ‘yo! HAHAHA


Pero ikaw ano ang pinaka-masakit na goodbye para sa ‘yo?


Sunday, August 18, 2013

10 Reasons Kung Bakit di Nagtatagal ang Long Distance Relationship!




1. Distance

Una! Masyadong malayo sa isat-isa. Bihira na nga kayong magkita, bihira pa kayong mag-usap. Wala na masyadong physical contact or to make it more mature, wala ng kiss at sex!  So ending nan away-away, galit-galit, tampo-tampo, break-break, and then paulit-ulit lang yang apat na yan.


2. Time

Next ay ang time difference niyong dalawa. Yep! Akala ko dati ang 2 hours o 4 hours na time difference ay wala naman epekto, pero nagkamali ako. Look ha, kung 4 hours and pagitan niyo ibig sabihin pag-gising mo ikaw nagbebreakfast na, pero siya natutulog pa. Siya na-greet mo na ng “goodmorning” , pero ikaw naghihintay pa rin ng reply niya. Then busy ka na sa office works mo pero dun pa lang siya magrereply. At pag di ka naka-reply magagalit siya. Then pag-uwe mo sa bahay ng 7 pm pagod ka na at gusto mo na lang magpahinga, pero siya energetic pa at doon pa lang siya free para makipag-usap. So meaning wala kayong common time.


3. Misunderstandings

Sa puntong to, dito na kayo parating nag-aaway at nagkakainisan. Imbis na mag-usap kayo ang sasabihin niyo lang sa isat-isa habang nag-uusap, “K. Tutulog na ako! Goodnight!”. At magrereply naman ang isa, “Bahala ka sa buhay mo! Wag ka ng mag-memessage sa akin kahit kailan!!!.” (With many many exclamation points to the nth power!)


4. Paulit-ulit na Tampuhan

Well, sa malamang sa araw-araw niyong pag-aaway yung isa sa inyo masyadong maarte at ayun tampu-tampuhan ang peg. Pag sinusuyo na, nag-mamaasim (pakipot is the meaning of it) pa. Eto namang si isa, sori na ng sori ikaw naman todo pakipot at pahabol pa. Pero the time na malapit ka ng maamo, etong si jowa mo naman ang mag-iinarte at mag-gagalitgalitan. Ang aarte niyo!HAHAHA


5. Third-party

Ngayon ma-alin man sa inyo tiyak may nilalande ng iba. Nagkakaroon na ng ‘call of LAMAN’ or may “katigangan phenomenon” ng nagaganap. At yung isa dahil lageng masama ang loob hahanap yan ng escape. I mean hahanap siya ng taong mag-papasaya sa kanya, para temporarily na makalimot siya sa stress at pressure sa relasyon niyo. Hahanap yan ng someone na mag-papalamig sa kanyang nag-iinit na ULO!. At di natatapos diyan! Mag go-go beyond pa yan! Hindi lang basta lande yan, more intimate pa ang hanap nan. If you know what I mean. Pero guess what! Dahil magaling mag-imbestiga si jowa, eh mahuhuli ka niya!


6. Bigla-biglang Pag-dedecision

At dahil huling-huli ka sa akto with all the evidence na meron siya, ang sasabihin niya sa’yo “Break na tayo!”. OO! Agad-agad! At i-expect mo na, na madami ka pang maririnig na sermon at masasakit na salita na galing sa kanya. At dahil impulsive talaga siya, uulitin niya pa one more time, and this time with full emotion!! and sampal na to your face!! (kahit malayo kayo), “BREAK NA TAYO! AT WAG KA NG AASANG BABALIKAN PA KITA!!!!.”


7. Pride Chicken!

At dahil pataasan kayo ng level ng pride, abah wala ng kibuan. As in wala ng pakiramdaman. Wala ng text, wala ng message-message. Wala na ring skype at wala ng any form ng pagpaparamdam. Ang meron na lang is yung mga status niyo na nagpaparinigan sa facebook, na parang araw-araw na lang na lagi kayong may kaaway. At ang laman na lang ng news feed ng mga kaibigan niyo ay mga bitter niyong posts na patama niyo sa isat –isa. O kaya naman para hind mahalata ng mga nakakarami niyong close friends na malalpit na kayong mag-break, eh sa twitter niyo na lang idadaan ang mga emo tweets niyo na………...”I miss her so much!”…o kaya naman “My life was so fucked up without you”. Errrr!!Pero in the end pride niyo pa rin ang nanaig.


8. Agad-agad na Pag-momove on

Yeah! Nabalitaan mo na lang, aba meron na pala siyang bagong nilalande (at talagang pinanindigan niya)!. At may pag-post pa ng sweet na tweets at status para patama sa bagong niyang crush o dini-date. Pero hindi mo alam pinag-seselos ka lang niya. Oo gusto ka niyang patayin sa selos at sama ng loob para ikaw ‘tong unang mag-aproach sa kanya!


9. So much Drama...!!

Dahil hindi mo na talaga matiis ang sakit at halos mabaliw-baliw ka na, eto at ikaw na ang unang nag-aproach. “I still love you! Please balikan mo na ako!”. Oh! you look like so damn kawawa. Tsk! Wrong move! Dahil sa ginawa mong yan lalo lang lalakas ang loob niya na patay na patay ka pa rin sa kanya. At siya naman kahit mahal ka pa niya, sasabihin niya na, “I guess this is not the right time for us, kelangan muna natin ng space para mag-grow”. Ulul ka! Pero may isa pang tag-line eh!....... “You deserve someone better. May iba jan na mas higit pa sakin….blah bla blah…”. …..(Knowing the fact na mahal niyo pa ang isat-isa ! eh nag-mamaasim pa kayo parehas! Bigyan ng jacket yan!!!!).

  
10. Disappearing Act / Walang Closure

At dahil nasaktan ng bongang-bonga ang isa sa inyo.This is it! Bigla na lang siyang mawawala! I-bblock ka niya sa FB niya o kaya naman i-dedeactivate niya lahat ng accounts niya! And that way wala ka ng malalaman kahit anong impormasyon sa kanya! Hindi mo alam kung anong ginagawa niya or kung asan na siya, kung may jowa na ba siya o kung mahal ka pa niya. Basically lahat ng naramdaman niyang sakit, ay mararamdaman mo rin! And that’s the truth! And sad to say “It’s too late!”. May jowa na siyang iba!


And after mo marealize na mahal mo pala siya, nakamove on na pala siya ng tuluyan! And ikaw naiwan na hanging. At dahil wala kayong naging matinong closure, magiging miserable ang buhay mo! You will be the most loneliestest person in the whole wide world! At mababaliw ka kakaisip sa kanya! BWAHAHAHAHA 


Friday, August 16, 2013

Right Love at the Wrong Time






Isang tanghali nagising si Peter sa kanyang pagkakahimbing, balisang-balisa at tila may inaalala. Nagmamadali siyang bumaba galing sa kanyang silid at nagsisigaw. “Yaya! Anong oras na?!”, galit na galit na tanong nito sa kanyang taga-SILBI. “3:33 na po Sir! Bakit po?”, sagot nito. “Bakit di niyo ako ginising?!”, sabi niya at agad-agad pinahanda ang kotse sa kanyang driver na si James. “James! Ihanda ang kotse aalis TAYO!”, sabi ni Peter sa driver.

Pumunta siya sa isang lugar na walang nakakaalam. Isang lugar na kung saan matatanaw ang isang malaking karagatan na tila wala ng hanggan. Mataas ang lugar, malakas ang hangin at tanging makikita mo lamang ay isang lumang puno na pinag-tibay ng panahon at isang swing na pilit na nakakapit sa isang sangang sinubok na ng taon.

Sa lugar na ito ang laging tagpuan nila ng kanyang kasintahan. Tuwing alas-tres ay dito sila laging nagkikita at nagsasama, dahil dito walang nakakakita, malaya nilang nagagawa kung ano man ang gustihin nila. Malaya sa mga mapanuring mata at malayo sa  mapanghusgang lipunan.

Sa lugar na ito walang humpay ang kanilang saya. Halos magkadikit na ang kanilang mukha sa tuwing sila ay nag-uusap. Na tila wala ng ano o sino pa man ang makakapawi sa ngiti sa kanilang mukha. Ang katawan nila ay parang iisa, animoy mga kambal na hindi na mapaghihiwalay pa. Masayang-masaya sila na parang mga batang hindi napapagod maghabulan at maglambingan. Para silang malalayang ibon na walang pakialam kung may masasagasaan. Para silang hangin na napakagaan sa pakiramdam. At parang isang larawan na napaka-sayang pagmasdan.


Bigla niyang naalala ang nakaraan……


Thursday, August 15, 2013

PAKIALAMERO! CONTROLLER! Leave Me Alone!


Ano kayang pakiramdam ng may nanay at tatay? Yung may nakikialam sa lahat ng ginagawa mo. Yung tipong lahat na lang ng galaw mo may “say” sila. Yung lahat ng kapalpakan mo ajan sila para sermonan at pagalitan ka. Sa totoo lang, hindi ko alam yung pakiramdam na yan. Kasi ang na-iimagine ko pag may magulang ka,may nag-aasikaso sa’yo, may nagluluto sa’yo at may naglalambing sa’yo. Idealistic masyado di ba?HAHAHA….Kasi ayan lang naman talaga yung gusto kung bakit ko gusto kong maranasan magka-magulang.


Pero may magulang ako siyempre! Hindi naman ako anak ni Virgin Mary na bigla na lang nabuo.  At lalong hindi rin ako si Hesu Kristo. Hindi rin po ako ampon no! At hindi rin namatay ang magulang ko sa plane crash at car accident...HAHAHA… Ang totoo nan naghiwalay sila noong 2 years old pa lang daw ako, dahil nahuli daw ng kapatid ko ang nanay ko na nakikkipag-halikan sa tindahan ni Aling Rosing.


So ayun since that wala na sila. At naiwan kame sa tatay ko. And to fast -forward everything nagkaroon sila ng mga sari-sariling lovelife nila at kaming apat na magkapatid ay ipinamigay sa isang mayamang-mayaman na babae. Dahil sa malamang mahirap lang naman si “papa”, alam ko naman na di niya kami kayang buhayin. Pero infairness nagawa pa rin niyang gumawa ng bagong pamilya huh….(HAHA). And this time di na namin kasama si papa sa iisang bahay.

Pero kung wala pala akong mga magulang eh sino yung nakikialam sa buhay ko? Sino yung atribida? Sino ang kontrabida?

Tuesday, August 13, 2013

Randoms about Relationships . .

Even how two individuals loved each other for the longest time, there will be a point in their lives where they have to decide to part ways. Not because they don't love each other anymore but because things don't work anymore the way it should. I believe relationship ends because both parties are not being satisfied with what they take and receive. If each one of them is being nurtured with the right amount of their needs, then why put complications in the relationship?



Mistrust starts when people learn how to hide secrets. It's always a must for two people to atleast have dirty little secrets, but honestly "honesty and confession" is what people should learn whenever they have to conceal something. Make sure when you lie, you hide things temporarily but you have the intention to reveal it at the right moment. Never ever pile things up and be caught in a situation where you have been already judged as the culprit .

Of course no one will admit one's fault and mistake. And this will be the start of the battle of pride. No one will make a way to make things up. Not one of them will make the first move to ask for forgiveness and settle the issues. And as days passed by,  the agony and grudge will reach its boiling point and both parties will just give up and decide to put an end on whatever they had.

It's funny how one simple thing ruins everything. With one blow of the wind, a house built for a year can be exterminated. And no one ever dare to rebuild it, and instead they just find a new place to live. Sadly, these two people never know how to value effort, the effort that bound them. And value the time, the time that makes them stay together. 

There's so much element to be considered when you want to build a home or a long-term relationship. You need to invest, to build, to re-build and lastly to maintain and take care of it. Love and security will always be your foundation, together with all the adjectives that make these two words.



Sphygmomanometer . . .


Hindi lahat ng pagtibok ng puso ay nangangahulugan na ikaw ay umiibig. Hindi lahat ng pagpintig nito ay nangangahulugan na ikaw kinakabahan o natatakot. Minsan may pag-galaw ang ating puso na hindi natin maipaliwanag. Mga pintig at tibok na bigla na lang nating nararamdam sa tuwing may naaalala tayong mga bagay, tao, o pangyayari na nagpapaalala ng ating nakaraan. Ang nakaraang pilit nating ibinabaon sa limot, mga pangyayari na sana ay hindi na maulit pa, mga taong sana ay hindi na natin makita pa. 

Baka nga takot at kaba itong aking nadarama, sa tuwing nananariwa ang mga larawan ng nakaraan na aking itinapon na. Pero hindi! Imposible! Sigurado akong lahat ng emosyong ito ay natapos na.

Pero ano ito? Ano itong pakiramdam na ito na nagiging sanhi ng aking lungkot? Sanhi ng aking pighati at takot. Ano itong idinulot ng nakaraan na tila ay araw-araw ng nagiging bangungot?


Galit! Aaminin ko ito ay galit. Galit na pilit kong itinatago at ikinukubli. Salita at emosyon na pilit kong binubura. Pakiramdam na pilit kong pinagtatakpan. Ang galit na pilit kong iniiwasan. Dahil sa tuwing ito ay aking nararamdaman, wala akong magawa kung hindi manariwa sa lahat ng sakit at hirap na iyong paulit-ulit na pinadama.



Monday, August 12, 2013

#PogiProblems


Habang naglalakad ako kanina sa labas para humanap ng kakainan bigla kong naalala si 'Poy'. Si Popoy na lage kong kasama at katuwang sa mga bagay-bagay. Siya na lage kong kasabay sa pagkaen, at siya na lageng sumasama sa aking pag-iisa. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Ano na kayang itsura nya?


Eto Si Poy noon! Masiyahin, maloko, malakas ang loob at maingay. Marahil hindi halata pero maniwala kayo sa akin siya pa itong magulo at bully sa klase. Mahilig yan mang-asar at gawing katatawanan lahat ng kaklase namin. Oo nakakatawa naman talaga siya, itsura pa lang niya pag nagpapatawa ay bentang-benta na. Aaminin ko punong-puno siya ng kasiyahan, pero alam ko din na madame siyang dinadamdam. Madame siyang tinatagong insecurities at takot sa kanyang loob. Alam na alam ko ang bawat kilos at galaw niya, alam na alam ko kung kelan siya masaya at kelan hindi. Alam ko pag nasasaktan na siya.


4R's ng "Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo?"


Bakit nga ba di ka crush ng crush mo? Isa lang yan marahil pangit ka o di ka lang talaga type ng crush mo! Basta ako pag alam kong di ako crush ng crush ko inuunahan ko na siya! Hindi ko na rin siya crush! Haha

Pero ano nga bang kinalaman ng 4R's na ito sa movie na 'to? Sa tingin ko wala naman talaga. Kahit nga mismong title nitong movie na to hindi naman talaga bumagay sa storya nitong palabas. Ang masasabi ko lang ginamit lang tong panulat ni Ramon Bautista para bigyan ng popularity yung movie.




So ano nga ba ung 4R's na sinasabe ko? Eto yung apat na steps para daw makamove on ka sabe ni Ramon!


1. Return of Stuff

Unang -una return of stuff! Isauli mo lahat ng binigay sa'yo para hindi mo na siya pauli-ulit na maalala o para sa ikakatahimik mo o kaya niya. Baka mamaya sa mahal ng mga binigay niya sa'yo di na pala siya makatulog. Tsaka ibalik mo na rin atleast wala kang utang na loob.

Pero iniisip ko talaga pano pag di niya tanggapin? O kaya naman ayaw niya ng makipagkita? Or asa ibang bansa na siya? Maisasauli mo pa ba lahat ng binigay niya? Isasauli mo ba yung mga nagamit mo ng sapatos?Yung paubos ng pabango na binigay nya? At ung mga damit na nasuot mo na? I-cash basis mo na lang kaya! Bayaran mo na lang at ipadala mo sa remittance center mas madali pa. Pero kung wala ng ibang way ipamigay mo! Sunugin mo na para atleast wala ng memories di ba? Yung memories na araw araw na nagpapaalala sa'yo. Well, next is

Sunday, August 11, 2013

I don't know, but when it rains. . . .


Hindi ko alam, pero sa tuwing umuulan isang alaala lang naman yung nananariwa sa aking isipan. Ito yung panahon na sumabay sa pagbuhos ng ulan yung lahat ng kalungkutan at lahat ng luha ng mga tao sa paligid ko na pilit kong tinaguan.








Alalang-ala ko pa nung sinabe ko sa lahat na aalis na ako, na kelangan ko ng lumipat ng paaralan. Madrama, pero sigurado na ako. Sigurado na ako sa pag-alis ko. Hindi ko gusto pero wala na akong nagawa at magagawa.

Tuesday, August 6, 2013

Start.


I don't really know but I was brought here by a friend of mine who motivated me to create a blog. I am not new with this kind of thing but this is my first time to use blogger.com.




I can still remember when I started to create blog posts using friendster way way back. I can easily express my words and opinions, and everything that I feel. My mind just start to bring ideas and my fingers just automatically do the typing. I really don't care if there are patterns or rules used in writing, but all i care about is to burst out all the thought in my mind and my emotion as of the moment.

It takes so much emotion for me to create posts, whether it is personal or based from what I see and observe from other's life experiences. I'm not really good in combining words. Perhaps, English is not really my native dialect. But whenever I want something inside of me "to be expressed out", I guess this is the best way to let it out rather than to just keep the thoughts inside of me. I think expressing in this manner is a good relief. I don't really care  who can read what I write, but it's just so nice to know that there are people who can really relate with what you are feeling as of the moment.

Basically, doing this this kind of stuff lets me release all the forces inside me. It could be negative or the other way around. What's important is it makes me feel good whenever there are people who I can inspire because they can relate with the emotions or with the experiences that I share. 

Let me start my career here with English, Filipino, and Taglish posts. Welcome to me.^^