Isang tanghali nagising si Peter
sa kanyang pagkakahimbing, balisang-balisa at tila may inaalala. Nagmamadali
siyang bumaba galing sa kanyang silid at nagsisigaw. “Yaya! Anong oras na?!”,
galit na galit na tanong nito sa kanyang taga-SILBI. “3:33 na po Sir! Bakit
po?”, sagot nito. “Bakit di niyo ako ginising?!”, sabi niya at agad-agad
pinahanda ang kotse sa kanyang driver na si James. “James! Ihanda ang kotse
aalis TAYO!”, sabi ni Peter sa driver.
Pumunta siya sa isang lugar na
walang nakakaalam. Isang lugar na kung saan matatanaw ang isang malaking karagatan
na tila wala ng hanggan. Mataas ang lugar, malakas ang hangin at tanging
makikita mo lamang ay isang lumang puno na pinag-tibay ng panahon at isang
swing na pilit na nakakapit sa isang sangang sinubok na ng taon.
Sa lugar na ito ang laging
tagpuan nila ng kanyang kasintahan. Tuwing alas-tres ay dito sila laging
nagkikita at nagsasama, dahil dito walang nakakakita, malaya nilang nagagawa
kung ano man ang gustihin nila. Malaya sa mga mapanuring mata at malayo sa mapanghusgang lipunan.
Sa lugar na ito walang humpay ang
kanilang saya. Halos magkadikit na ang kanilang mukha sa tuwing sila ay
nag-uusap. Na tila wala ng ano o sino pa man ang makakapawi sa ngiti sa
kanilang mukha. Ang katawan nila ay parang iisa, animoy mga kambal na hindi na
mapaghihiwalay pa. Masayang-masaya sila na parang mga batang hindi napapagod
maghabulan at maglambingan. Para silang malalayang ibon na walang pakialam kung
may masasagasaan. Para silang hangin na napakagaan sa pakiramdam. At parang
isang larawan na napaka-sayang pagmasdan.
“Kelan mo ako ipapakilala sa mga
magulang mo?”, tanong ng kanyang kasintahan. “Basta ipapakilala din kita,
paghanda na ako at pag malakas na ang loob ko.”, sabi naman ni Peter. “Eh kelan
pa yun?”, tanong uli ng kanyang kasintahan. “Halika na, tara na umuwe na tayo.
Ihahatid na kita!”, pilit na pag-iwas ni Peter sa tanong nito. Kitang-kita ni
Peter ang lungkot sa mga mata ng kanyang kasintahan, pero wala siyang magawa
kung hindi hintayin ang panahon na magkaroon na siya ng lakas ng loob.
Sa araw-araw na pumupunta sila sa
lugar na ito, araw-araw ding nag-hihintay ng kasagutan ang kasintahan niya. Pero
bigo lagi ito dahil laging iniiwasan ni Peter ang tanong niya at pilit binabago
ang usapan.
Kahit nasasaktan siya pinipilit
niyang ngumiti, nagkukunwari na lahat ay mabuti. Dahil ayaw niyang pagmulan na
naman ito ng away. Dumaan ang mga araw, buwan, at taon pero pilit pa rin siyang nagiging matatag, tinitiis
ang sakit at itinago ang lungkot sa kanyang sarili.
Hinayaan lang niyang makulong siya sa mundo na
silang dalawa ang nakakaalam, sa mundong walang ibang nakakakilala sa kanya kung
hindi silang mag-kasintahan.
Pero taon ay lumipas at tila
lahat ay nagbago na. Ang dating masayang kanlungan ay tila napabayaan na. Ang
dating kanilang palaruan ngayon ay tahimik na. At ang dating mga batang walang
sawang naglalaro ay tila napagod na.
Dumidilim na pero ang hinihintay ni Peter ang kasintahan ay tila wala
na, at tila hindi na darating pa. Hanggang isang boses ang narinig niya sa kanyang
likuran…
“Sir? Mag-gagabi na po. Tayo na
po.”, sabe ng boses sa likuran niya.
“Marahil napagod na siya, nagsawa
na siya. Hindi niya na ako nahintay pa. Kung kelan may lakas na ako ng loob,
ngayon pa siya sumuko. Kung kelan handa na ako, ngayon pa siya bumitiw…..”,
malungot na sabi ni Peter.
“Kahit kelan hindi siya napagod. Hindi
siya nakalimot at hindi siya nagsawa. Araw-araw ka niyang hinintay. At hindi
siya nawalan ng pag-asa na magkakaroon na kayo ng lakas ng loob para bigyan ng
kasagutan ang mga tanong niya.” sabi ng boses sa kanyang likuran.
“Sir tara na po. Naghihintay na
po sila sa bahay. Hinihintay na po kayo ng asawa at mga anak niyo. Hinihintay
na po kayo ng pamilya niyo”, malumanay na banggit ng boses sa kanyang likuran.
Unti-unting naglakad si Peter pabalik sa sasakyan, dala-dala ang pighati at matinding kasawian. Hindi na niya nahintay at narinig pa ang mga huling katagang sinabe ng ‘boses sa likuran’.
=’(
THE END
May pag-ibig talagang nangyayari
sa maling pagkakataon at di tamang panahon. At meron ding mga salita na hindi
na natin nahintay pang marinig. Mga salitang hindi natin na-kaya pang sabihin.
Kaya minsan it’s too late na. Minsan mali lang talaga ang timing ng mga bagay o
timing natin. Dahil hindi sa lahat ng panahon umaayon ang mga bagay-bagay sa
kagustuhan natin. At minsan sa sobra nating pag-mamaasim, WALA NA! Ung
kinakausap mo wala na pala! Nakaalis na! whew…DEMIT
So bakit kaya sila nagtatago? Bawal ba ang kanilang relasyon? Langit lupa ganyan?
ReplyDeleteDepende yan...depende sa gusto mong mangyari...sa kanila...
ReplyDeleteOo langit lupa..impyerno...im im...impyerno...
Lihim na pagibig ba ito hahaha
ReplyDeletePedeng oo?haha..just fill in the blank...=)
DeleteThe right love at the wrong time is still wrong no matter how you look at it.
ReplyDeleteAgree ako dito.
DeleteSorry na.....HAHAHA
DeleteWell ganyan talaga ipilit man..it's not meant to be....
Haha, di ako galit. Nagshashare lang. :))
DeleteAko naman e sumasang ayon lang.
DeleteReally? FSOQ
DeleteI know FSOQ and OP=) No pressure...haha
DeleteGuys ingat kayo sa baha...!^^