Sunday, August 18, 2013

10 Reasons Kung Bakit di Nagtatagal ang Long Distance Relationship!




1. Distance

Una! Masyadong malayo sa isat-isa. Bihira na nga kayong magkita, bihira pa kayong mag-usap. Wala na masyadong physical contact or to make it more mature, wala ng kiss at sex!  So ending nan away-away, galit-galit, tampo-tampo, break-break, and then paulit-ulit lang yang apat na yan.


2. Time

Next ay ang time difference niyong dalawa. Yep! Akala ko dati ang 2 hours o 4 hours na time difference ay wala naman epekto, pero nagkamali ako. Look ha, kung 4 hours and pagitan niyo ibig sabihin pag-gising mo ikaw nagbebreakfast na, pero siya natutulog pa. Siya na-greet mo na ng “goodmorning” , pero ikaw naghihintay pa rin ng reply niya. Then busy ka na sa office works mo pero dun pa lang siya magrereply. At pag di ka naka-reply magagalit siya. Then pag-uwe mo sa bahay ng 7 pm pagod ka na at gusto mo na lang magpahinga, pero siya energetic pa at doon pa lang siya free para makipag-usap. So meaning wala kayong common time.


3. Misunderstandings

Sa puntong to, dito na kayo parating nag-aaway at nagkakainisan. Imbis na mag-usap kayo ang sasabihin niyo lang sa isat-isa habang nag-uusap, “K. Tutulog na ako! Goodnight!”. At magrereply naman ang isa, “Bahala ka sa buhay mo! Wag ka ng mag-memessage sa akin kahit kailan!!!.” (With many many exclamation points to the nth power!)


4. Paulit-ulit na Tampuhan

Well, sa malamang sa araw-araw niyong pag-aaway yung isa sa inyo masyadong maarte at ayun tampu-tampuhan ang peg. Pag sinusuyo na, nag-mamaasim (pakipot is the meaning of it) pa. Eto namang si isa, sori na ng sori ikaw naman todo pakipot at pahabol pa. Pero the time na malapit ka ng maamo, etong si jowa mo naman ang mag-iinarte at mag-gagalitgalitan. Ang aarte niyo!HAHAHA


5. Third-party

Ngayon ma-alin man sa inyo tiyak may nilalande ng iba. Nagkakaroon na ng ‘call of LAMAN’ or may “katigangan phenomenon” ng nagaganap. At yung isa dahil lageng masama ang loob hahanap yan ng escape. I mean hahanap siya ng taong mag-papasaya sa kanya, para temporarily na makalimot siya sa stress at pressure sa relasyon niyo. Hahanap yan ng someone na mag-papalamig sa kanyang nag-iinit na ULO!. At di natatapos diyan! Mag go-go beyond pa yan! Hindi lang basta lande yan, more intimate pa ang hanap nan. If you know what I mean. Pero guess what! Dahil magaling mag-imbestiga si jowa, eh mahuhuli ka niya!


6. Bigla-biglang Pag-dedecision

At dahil huling-huli ka sa akto with all the evidence na meron siya, ang sasabihin niya sa’yo “Break na tayo!”. OO! Agad-agad! At i-expect mo na, na madami ka pang maririnig na sermon at masasakit na salita na galing sa kanya. At dahil impulsive talaga siya, uulitin niya pa one more time, and this time with full emotion!! and sampal na to your face!! (kahit malayo kayo), “BREAK NA TAYO! AT WAG KA NG AASANG BABALIKAN PA KITA!!!!.”


7. Pride Chicken!

At dahil pataasan kayo ng level ng pride, abah wala ng kibuan. As in wala ng pakiramdaman. Wala ng text, wala ng message-message. Wala na ring skype at wala ng any form ng pagpaparamdam. Ang meron na lang is yung mga status niyo na nagpaparinigan sa facebook, na parang araw-araw na lang na lagi kayong may kaaway. At ang laman na lang ng news feed ng mga kaibigan niyo ay mga bitter niyong posts na patama niyo sa isat –isa. O kaya naman para hind mahalata ng mga nakakarami niyong close friends na malalpit na kayong mag-break, eh sa twitter niyo na lang idadaan ang mga emo tweets niyo na………...”I miss her so much!”…o kaya naman “My life was so fucked up without you”. Errrr!!Pero in the end pride niyo pa rin ang nanaig.


8. Agad-agad na Pag-momove on

Yeah! Nabalitaan mo na lang, aba meron na pala siyang bagong nilalande (at talagang pinanindigan niya)!. At may pag-post pa ng sweet na tweets at status para patama sa bagong niyang crush o dini-date. Pero hindi mo alam pinag-seselos ka lang niya. Oo gusto ka niyang patayin sa selos at sama ng loob para ikaw ‘tong unang mag-aproach sa kanya!


9. So much Drama...!!

Dahil hindi mo na talaga matiis ang sakit at halos mabaliw-baliw ka na, eto at ikaw na ang unang nag-aproach. “I still love you! Please balikan mo na ako!”. Oh! you look like so damn kawawa. Tsk! Wrong move! Dahil sa ginawa mong yan lalo lang lalakas ang loob niya na patay na patay ka pa rin sa kanya. At siya naman kahit mahal ka pa niya, sasabihin niya na, “I guess this is not the right time for us, kelangan muna natin ng space para mag-grow”. Ulul ka! Pero may isa pang tag-line eh!....... “You deserve someone better. May iba jan na mas higit pa sakin….blah bla blah…”. …..(Knowing the fact na mahal niyo pa ang isat-isa ! eh nag-mamaasim pa kayo parehas! Bigyan ng jacket yan!!!!).

  
10. Disappearing Act / Walang Closure

At dahil nasaktan ng bongang-bonga ang isa sa inyo.This is it! Bigla na lang siyang mawawala! I-bblock ka niya sa FB niya o kaya naman i-dedeactivate niya lahat ng accounts niya! And that way wala ka ng malalaman kahit anong impormasyon sa kanya! Hindi mo alam kung anong ginagawa niya or kung asan na siya, kung may jowa na ba siya o kung mahal ka pa niya. Basically lahat ng naramdaman niyang sakit, ay mararamdaman mo rin! And that’s the truth! And sad to say “It’s too late!”. May jowa na siyang iba!


And after mo marealize na mahal mo pala siya, nakamove on na pala siya ng tuluyan! And ikaw naiwan na hanging. At dahil wala kayong naging matinong closure, magiging miserable ang buhay mo! You will be the most loneliestest person in the whole wide world! At mababaliw ka kakaisip sa kanya! BWAHAHAHAHA 


13 comments:

  1. Sabi ni Robert Steinberg, may tatlong komponent ang pag-ibig: intimacy, passion at commitment. Magiging problema ng LDR ang intimacy na aspeto.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At talagang intimacy ang number 1 sa component na ito....HAHA

      Delete
  2. Nasa isa akong LDR ngayon pero di ko ramdam kasi linggo linggo siya umuuwi para makapagkita kami. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good for you! Atleast u have time pa rin to catch up with each other...ang mhrap talaga is ung miles and worlds apart..=)

      Delete
  3. Senend ko tosa friend ko sa saudi who just recently broke up with his partner for three years dto sa pinas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana makatulong sa kanya toh kahit papaano para mag analyze ng bagay-bagay...=)

      Delete
  4. Mahirap nga lalo na kung may time difference pa. 4 hours? Around UAE yan. haha.

    Bakit parang hindi to nangyayari sa "kanila" enjosef? you know! hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow pao memorize mo talaga lahat ng timezones?HAHAHA

      ikaw na! Pero ung case nila...di ko lang sure mahiwaga ang LDR nla eh...my smthng! One way?haha..joke

      Delete
  5. I don't believe in LDR. Its a waste of time and effort

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same here...=) Pero may mga nagtatagal din na LDR huh. But I believe madami silang nagiging problema.

      And yeah tama ka sa sinabe mo waste of time and effort..^^

      Delete
    2. Prehas lang namn. Meron nga nasa tabi mo n wla rn tym at effort. Maiicp mo kc s ldr n waste tym lng lalo n kung dp kau nag memeet dmo alm kung may patutunguhan b kung totoo b sya tlga. Nkkbliw mag icp

      Delete
  6. I have a boyfriend who always say " you deserve someone better than me" 2 years and 1 month n kami, studying fAr from each other madalas kming may conflict sa time. Lagi kaming nag aaway hindi ko alam kung bakit. Pero dahil siguro lagi akong busy sa pag aaral.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun cguro tlga lalo n patgal ng patgal ang relasyon ng ldr. Ngkakaron ng tampo,kung ano2 n iniicp

      Delete