Monday, August 12, 2013

4R's ng "Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo?"


Bakit nga ba di ka crush ng crush mo? Isa lang yan marahil pangit ka o di ka lang talaga type ng crush mo! Basta ako pag alam kong di ako crush ng crush ko inuunahan ko na siya! Hindi ko na rin siya crush! Haha

Pero ano nga bang kinalaman ng 4R's na ito sa movie na 'to? Sa tingin ko wala naman talaga. Kahit nga mismong title nitong movie na to hindi naman talaga bumagay sa storya nitong palabas. Ang masasabi ko lang ginamit lang tong panulat ni Ramon Bautista para bigyan ng popularity yung movie.




So ano nga ba ung 4R's na sinasabe ko? Eto yung apat na steps para daw makamove on ka sabe ni Ramon!


1. Return of Stuff

Unang -una return of stuff! Isauli mo lahat ng binigay sa'yo para hindi mo na siya pauli-ulit na maalala o para sa ikakatahimik mo o kaya niya. Baka mamaya sa mahal ng mga binigay niya sa'yo di na pala siya makatulog. Tsaka ibalik mo na rin atleast wala kang utang na loob.

Pero iniisip ko talaga pano pag di niya tanggapin? O kaya naman ayaw niya ng makipagkita? Or asa ibang bansa na siya? Maisasauli mo pa ba lahat ng binigay niya? Isasauli mo ba yung mga nagamit mo ng sapatos?Yung paubos ng pabango na binigay nya? At ung mga damit na nasuot mo na? I-cash basis mo na lang kaya! Bayaran mo na lang at ipadala mo sa remittance center mas madali pa. Pero kung wala ng ibang way ipamigay mo! Sunugin mo na para atleast wala ng memories di ba? Yung memories na araw araw na nagpapaalala sa'yo. Well, next is


2. Reverse Bittering

Alalahanin mo lahat ng mga ginawa niya sa 'yong masama! Lahat ng pagtataksil, lahat ng pag-aaway niyo, lahat ng masasakit na palitan ng salita at lahat ng pang-gagago at panlolokong ginawa niya sa 'yo. As easy as that. 

Iinternalize mong maige yung paulit-ulit niyang pambabalewala sa'yo tuwing nagtetext ka. Yung paulit-ulit niyang pagsisinungaling sa'yo kahit huling huli mo na siya. Isipin mo na lang yung mga oras na chinat mo siya sa FB at hindi man lang niya binasa ang message mo at maya-maya ay offline na. Pero kitang-kita mo sa twitter nya na kaka-tweet lang niya.

Isipin mo yung mga araw na gusto mong makipag-kita sa kanya pero ayaw niya! Kasi may lakad siyang iba kasama ang tropa niya. Isipin mo yung mga panahon na pingahintay ka nya pero di man lang siya dumating at hindi man lang siya nagtext after all.

Balikan mo yung mga memories na may nakita kang kalandian sa FB chat niya. O kaya naman ang dameng naka-add na account sa skype niya at who knows kung anong ginagawa niya. Isipin mo bakit niya kelangan palitan ang passwords niya at ayaw niya ng ibigay toh sa'yo kahit kelan.

Bilangin mo kung ilang beses na siyang nag-sori sa'yo pero paulit-ulit ka pa rin niyang niloko. Bilangin mo yung times na ikaw na nagalit, pero ikaw pa ang nag-comfort sa sarili mo. Eh ung time na nag-walk out ka pero di ka niya hinabol at ikaw pa 'tong bumalik. Yung time na ikaw na ang nakipag-break pero ikaw pa rin tong humingi ng tawad at naki-pagbalikan. Susko, kawawang-kawawa ka pala. O eto na yung sampal sa'yo! Gising na! Ubusin mo na yung galit mo! Para naman maka-move on ka na. At pag-naubos na yung emosyon mo at galit mo. Yung tipong wala ka na talagang nararamdaman, eto na sunod mong gawin!

3. Rebound/ Rebounce

Maghanap ka ng iba! Inshort lumande ka! Di ka naman siguro pangit. Baka mamaya mas pangit pa pala sa'yo yang syota mo na nanloko sa'yo. Makipagtext ka sa iba. Lumabas ka. Pumunta ka sa mga chatrooms kung meron pa nun. Makipag-kilala ka sa friends of friends. At baka sa ganon makahanap ka ng magugustuhan mo. Alam kong hindi ganon kadali mag-move on! Syempre ang hahanpin mo pa rin is yung mga attributes na nakita mo sa ex mo. Pero hanap lang ng hanap! Kaso minsan mapapatanong ka na lang 'Bakit di ako crush ng crush ko?' Sayang naman! Kung sino pa yung type mo hindi ka naman type. At kung sino yung di mo type yun ang may gusto sa'yo.

Pero matanong nga kita. Yung ex mo ba, siya ba talaga yung type mo? At ikaw rin ba talaga yung type niya? Malamang OO pero minsan hindi rin.

Minsan kung sino pa yung hindi mo ine-expect yun pa yung napupunta sa'yo. Kung sino pa yung di naman talaga pasok sa standards mo, eh yun pa yung magiging jowa mo.


Napaka simple lang ng buhay! Kung naka-move on ka nga sa mga dating mong ex, eh bat hindi sakanya? Kasi marami na kayong naexplore together? O kasi mas mature na ung relationship niyo? Madami na kayong nagawa na hindi niyo nagawa nung teens palang kayo, nung patwitums palang kayo? Whatever it is, eto ang agenda natin dito ang maka-move on ka.

Ano ka ba  wag mo ng balik-balikan ang mga ala-ala niyo! Masasaktan ka lang ng paulit-ulit. Magagalit ka na naman sa kanya! At ang ending bitter ka na naman. Siya naka-move on na, pero ikaw nga-nga. Umaasa ka pa rin na babalikan ka niya. Aba! asa 3rd stage na tayo ngayon ka pa ba susuko? 

Sa stage na to dapat adito na yung salitang 'ACCEPTANCE'. Eto yung salita na magpapatunay sa mga salitang "I moved on, I really really moved on".

Kung ajan ka na sa stage na yan, Congratulations! Dahil malapit ka ng maka-get over. Pag naramdaman mo na hindi ka na masyadong nagagalit sa kanya. Pag wala ka ng kirot na nararamdaman sa tuwing nakikita mo ang mga FB updates niya ibig sabihin malapit ka ng grumaduate. Malapit na ang katapusan ng pagdadalamhati mo. Dahil ang huling stage ay.....

4. Revenge

HAHA!! Oo revenge daw sabi ni Ramon! Nung sinabe niya tong word na to bigla akong napatanong. . so anong sense nung na-unang tatlo kung maghihiganti pala uli ako? Ano to torture? After ko makalimot, aalalahanin ko nanaman yung mga ginawa niya? At gagalitin ko nanaman ba ang sarili ko?

Ofcourse not! Eto ay revenge para sa sarili mo! Make yourself better. Gumanti ka sa sarili mo. Bawian mo ang sarili mo. In the sense na, after ka niyang kawawawain at after mo mag mukang stressed sa gabi-gabi mong pag-iyak at kakaisip sa kanya. At sa araw-araw na para ka ng mabababaliw sa kakaisip na babalikan ka pa niya. This is the time for make-over. Magpaganda ka! O magpa-guwapo ka! Yung tipong pag nakita ka niya gusto ka na niya ulit balikan. Yung tipong manghihinayang siya bakit ka niya pinakawalan. At yung mag-mamakaawa siya sa'yo na balikan mo na siya.

That's your sweet revenge. Hindi mo na siya inaalala. Iba na yung mga nasa-isip mo. Iba na ang priorities mo .Kumbaga siya eto, biglang narealize na mahal ka pa pala niya pero ikaw ni hindi mo na nga siya natatandaan or naaalala. 

Yung kahit balikan mo na lahat ng memories niyo natatawa ka na lang sa mga nagawa mo at ginawa mo. HAHA! Yung buong puso mo siyang napatawad kasi alam mong hindi kayo meant para sa isat-isa. At para sayo wala ng 2nd chance. Dahil nagsawa ka ng maramdaman yung paulit-ulit na sakit.

Ang mahalaga naman talaga sa pag-momove on ay yung pinadama mo sa sarili mo na you are worthy. Na maganda ka, na guwapo ka. Kung pangit ka siguro naman walang nagkagusto sa'yo. Ang mahalga wala ka ng dala-dalang sama ng loob. Wala ka ng kargo de konsenya. Lahat ng sakit na naramdaman mo ay nabitiwan mo na. Dahil alam mo napatawad mo na siya.

Siguro naman this time may nahanap ka ng pumupuno sa pangangailangan mo. That someone na ginagawa na lahat ng gusto mo. Yung hindi ka na paulit-ulit na sinasaktan at binabalewala. 

Sa isang relasyon hindi naman sapat na mahal mo lang. Dapat inaalagaan niyo ang isat-isa. Dapat araw-araw my effort sa isat-isa. At pag may problema dapat inaayos, hindi yung pinapalipas na lang at tinatakasan tapos kinabukasan bati na uli. Hindi yan healthy.

Basta lage niyong tatandaan ang pagsasabe ng 'I love you' ay di lang sinasabe dapat mas ginagawa ito at pinapadama. Para sa ganon walang insecurities at walang pagsisimulan ng away.

So till here na lang. Maniwala ka sa akin kahit gaano pa kasakit yang nararamdaman mo ngayon wag ka muna bibitaw! Wag ka munang papakamatay. Damhin mo lang yung sakit. At tsak magsasawa ka rin, mapapagod ka rin. And that time di mo na namalayan. . .abah naka-move on ka na pala.^^


14 comments:

  1. Ganda ng pagkaka-expound ng 4Rs.

    Pero mahirap yung reverse bittering ah! hahaha walang kasiguruhang makakamove on kapag nagreverse bittering, baka suicidal ang ending nyan. hahaha! So tingin ko mag redirect nalang agad sa number 4.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yah yun dn agad naisip ko dunsa reverse bittering na yun.prang lalo ka ata magiging bitter...pero some say effective.dw??HAHAH...YEAH....ftw..revenge..haha

      Delete
    2. Effective po, naka move on na ba kayo? :)

      Delete
  2. Di ko pa yan pinapanood :) At di ko pa rin binabasa yung book ni Ramon Bautista. Haha.

    Ngayon ko lang nadinig ang konsepto ng reverse bittering.

    ReplyDelete
  3. Simple rule lng yan pag di kagusto eh wag mo nang pilitin , pra kang tumawid sa isng tulay na di mo alam kung safe o hindi :) wink wink

    ReplyDelete
  4. At ang happy reason: Bakit hindi ka crush nh crush mo? Kasi love ka nya. Boom!

    ReplyDelete
    Replies
    1. TAMA k jan!!!palihim ka din niyang crush...!!^^

      Delete
  5. This made me realize of something. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pede bang malaman kung anong realizations mo?=)

      Delete