Friday, August 16, 2013

Right Love at the Wrong Time






Isang tanghali nagising si Peter sa kanyang pagkakahimbing, balisang-balisa at tila may inaalala. Nagmamadali siyang bumaba galing sa kanyang silid at nagsisigaw. “Yaya! Anong oras na?!”, galit na galit na tanong nito sa kanyang taga-SILBI. “3:33 na po Sir! Bakit po?”, sagot nito. “Bakit di niyo ako ginising?!”, sabi niya at agad-agad pinahanda ang kotse sa kanyang driver na si James. “James! Ihanda ang kotse aalis TAYO!”, sabi ni Peter sa driver.

Pumunta siya sa isang lugar na walang nakakaalam. Isang lugar na kung saan matatanaw ang isang malaking karagatan na tila wala ng hanggan. Mataas ang lugar, malakas ang hangin at tanging makikita mo lamang ay isang lumang puno na pinag-tibay ng panahon at isang swing na pilit na nakakapit sa isang sangang sinubok na ng taon.

Sa lugar na ito ang laging tagpuan nila ng kanyang kasintahan. Tuwing alas-tres ay dito sila laging nagkikita at nagsasama, dahil dito walang nakakakita, malaya nilang nagagawa kung ano man ang gustihin nila. Malaya sa mga mapanuring mata at malayo sa  mapanghusgang lipunan.

Sa lugar na ito walang humpay ang kanilang saya. Halos magkadikit na ang kanilang mukha sa tuwing sila ay nag-uusap. Na tila wala ng ano o sino pa man ang makakapawi sa ngiti sa kanilang mukha. Ang katawan nila ay parang iisa, animoy mga kambal na hindi na mapaghihiwalay pa. Masayang-masaya sila na parang mga batang hindi napapagod maghabulan at maglambingan. Para silang malalayang ibon na walang pakialam kung may masasagasaan. Para silang hangin na napakagaan sa pakiramdam. At parang isang larawan na napaka-sayang pagmasdan.


Bigla niyang naalala ang nakaraan……



“Kelan mo ako ipapakilala sa mga magulang mo?”, tanong ng kanyang kasintahan. “Basta ipapakilala din kita, paghanda na ako at pag malakas na ang loob ko.”, sabi naman ni Peter. “Eh kelan pa yun?”, tanong uli ng kanyang kasintahan. “Halika na, tara na umuwe na tayo. Ihahatid na kita!”, pilit na pag-iwas ni Peter sa tanong nito. Kitang-kita ni Peter ang lungkot sa mga mata ng kanyang kasintahan, pero wala siyang magawa kung hindi hintayin ang panahon na magkaroon na siya ng lakas ng loob. 

Sa araw-araw na pumupunta sila sa lugar na ito, araw-araw ding nag-hihintay ng kasagutan ang kasintahan niya. Pero bigo lagi ito dahil laging iniiwasan ni Peter ang tanong niya at pilit binabago ang usapan.

Kahit nasasaktan siya pinipilit niyang ngumiti, nagkukunwari na lahat ay mabuti. Dahil ayaw niyang pagmulan na naman ito ng away. Dumaan ang mga araw, buwan, at taon pero  pilit pa rin siyang nagiging matatag, tinitiis ang sakit at itinago ang lungkot sa kanyang sarili.

 Hinayaan lang niyang makulong siya sa mundo na silang dalawa ang nakakaalam, sa mundong walang ibang nakakakilala sa kanya kung hindi silang mag-kasintahan.

Pero taon ay lumipas at tila lahat ay nagbago na. Ang dating masayang kanlungan ay tila napabayaan na. Ang dating kanilang palaruan ngayon ay tahimik na. At ang dating mga batang walang sawang naglalaro ay tila napagod na.

Dumidilim na pero ang hinihintay ni Peter ang kasintahan ay  tila wala na, at tila hindi na darating pa. Hanggang isang boses ang narinig niya sa kanyang likuran…

“Sir? Mag-gagabi na po. Tayo na po.”, sabe ng boses sa likuran niya.

“Marahil napagod na siya, nagsawa na siya. Hindi niya na ako nahintay pa. Kung kelan may lakas na ako ng loob, ngayon pa siya sumuko. Kung kelan handa na ako, ngayon pa siya bumitiw…..”, malungot na sabi ni Peter.

“Kahit kelan hindi siya napagod. Hindi siya nakalimot at hindi siya nagsawa. Araw-araw ka niyang hinintay. At hindi siya nawalan ng pag-asa na magkakaroon na kayo ng lakas ng loob para bigyan ng kasagutan ang mga tanong niya.” sabi ng boses sa kanyang likuran.

“Sir tara na po. Naghihintay na po sila sa bahay. Hinihintay na po kayo ng asawa at mga anak niyo. Hinihintay na po kayo ng pamilya niyo”, malumanay na banggit ng boses sa kanyang likuran.




Unti-unting naglakad si Peter pabalik sa sasakyan, dala-dala ang pighati at matinding kasawian. Hindi na niya nahintay at narinig pa ang mga huling katagang sinabe ng ‘boses sa likuran’. 

  “Kung alam mo lang, araw-araw kitang hinintay ngunit hindi ka na nagpakita pa. Kahit ayaw mo, pinuntahan na kita sa inyong tahanan pero hindi mo na ako kilala, hindi mo na ako natatandaan pa. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa, dahil alam ko balang araw babalik ka sa ating  dating tagpuan, bitbit ang matagal ko ng inaasam-asam. Ang mga sagot sa aking katanungan. At ngayon alam ko na, na kahit hindi mo na ako matandaan o mamukaan, hinding-hindi mo nakalimutan ang ating sumpaan, ang ating walang hanggang pagmamahalan. Hindi mo man ako maalala dahil sa iyong matinding KARAMDAMAN, umasa ka hanggang sa huli ay hinding-hindi kita iiwanan at habang buhay kitang PAGSISILBIHAN. Umabot man tayo sa kamatayan.”

=’(

THE END



May pag-ibig talagang nangyayari sa maling pagkakataon at di tamang panahon. At meron ding mga salita na hindi na natin nahintay pang marinig. Mga salitang hindi natin na-kaya pang sabihin. Kaya minsan it’s too late na. Minsan mali lang talaga ang timing ng mga bagay o timing natin. Dahil hindi sa lahat ng panahon umaayon ang mga bagay-bagay sa kagustuhan natin. At minsan sa sobra nating pag-mamaasim, WALA NA! Ung kinakausap mo wala na pala! Nakaalis na! whew…DEMIT

11 comments:

  1. So bakit kaya sila nagtatago? Bawal ba ang kanilang relasyon? Langit lupa ganyan?

    ReplyDelete
  2. Depende yan...depende sa gusto mong mangyari...sa kanila...

    Oo langit lupa..impyerno...im im...impyerno...

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. Pedeng oo?haha..just fill in the blank...=)

      Delete
  4. The right love at the wrong time is still wrong no matter how you look at it.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry na.....HAHAHA

      Well ganyan talaga ipilit man..it's not meant to be....

      Delete
    2. Haha, di ako galit. Nagshashare lang. :))

      Delete
    3. I know FSOQ and OP=) No pressure...haha

      Guys ingat kayo sa baha...!^^

      Delete