Saturday, September 21, 2013

Got to Believe in Love at First Sight

"Got to believe in magic
 tell me how two people find each other
 in a world that’s full of strangers . . .”

Sa dinami-dami ng tao sa mundo hindi mo talaga alam kung kanino ka mahuhulog. Hindi mo alam kung kelan, saan at paano. Ang alam mo lang basta mo na lang ‘tong naramdaman. At ibang saya ang kayang idulot nito.



Tandang-tanda ko yung unang araw kitang nakita, may tinatanaw ka pero di mo makita. Hinihintay ko na sana mapansin mo ako pero hindi mo ako nakita. Ilang beses na kitang nakakasalubong, ilang beses na rin nagkakatagpo, pero sa bawat pagtatagpo natin hindi mo ako napapansin.

Masaya na ako sa araw-araw na ikaw ay nasisilayan. Pero habang nagtatagal tila lumiliit ang ating mundo. Kung dati ay tinatanaw lang kita, ngayon ay abot kamay na kita. Tandang-tanda ko nang unang nag-tagpo ang ating mga mata, parehas tayong may hinahanap pero hindi natin makita. Nagkatingin pa nga tayong dalawa at bigla nating iniwasan ang tingin ng bawat isa. Pero wala pang isang segundo ay sabay nating ibinalik ang tinginan sa ating mga mata na tila ay kinikilala ang isat-isa. Mata-sa-mata ay tumigil ang mundo natin, pilit nating inaaninag ang itsura ng isat-isa. Doon ko rin unang narinig ang boses mo, na parang sinadya mo talagang iparinig sa akin. Ngunit kelangan ko ng umalis dahil nagmamadali ako. Ang sarap na naman sa pakiramdam ng makita ko ang mala-anghel mong muka.

Hindi ito yung unang pagkakataon na nagkatagpo tayo ng malapitan. Muntikan na nga kitang mabangga dahil nakaharang ka sa aking daan at sana binangga na lang kita para kahit paano ay napansin mo ako.

Hindi nagsisimula o natatapos ang araw na hindi tayo nagkikita. Sa araw-araw na dinasal ko na makita kita ay lagi namang tinutupad ng diyos. Sa lahat ng dinadaanan ko ay nadoon ka na tila pinupuntahan mo rin talaga lahat ng pinpuntahan ko. Lagi kang dumadaan sa harap ko, at laging nakakasalubong sa lahat ng ruta ko. Tanda ko nga ng muli na naman mag-krus ang landas natin. Sa pagkakataon na yun ay naglakas loob ako na tignan ka at tumingin ka rin naman sabay yuko nang hindi ko alisin ang tingin ko. Hindi ako sigurado kung sinundan mo ba talaga ako that time. Ang alam ko lang ng bumalik ka sa pinangalingan natin, tinatanaw mo kung adoon pa ako at di ka nagka-mali dahil adoon nga ako, hinihintay ang pag-balik mo.

Papasok pa lang ako sa trabaho at ikaw agad ang bumungad sa araw ko. Dumaan ka na naman sa harap ko, at nabuo na naman ang araw ko. Parang inaraw-araw na ng tadhana na makita ka. Sa totoo lang yung pinaka-exciting part talaga ng araw ko eh yung makita ka. Sa tuwing nakikita kita biglang nabubuhay ang dugo ko at bigla rin sumasaya ang mood ko. Paano ba naman, sino bang hindi gaganda ang araw pag nakikita ang mukha mo na parang di napapagod sa pag-ngiti. Kaya ayun dala-dala ko din yung ngiti mo sa buong araw ko.

Sa hindi inaasahang panahon ay nakita na naman kita. At this time tayo lang dalawa, as in walang tao sa paligid. Ikaw at ako na parehas may kinukuting-ting sa mga bag natin. Alam kong nakita mo ako, pero di ako nag-react, nag-pretend ako na di kita napansin. Alam ko naman na wala ka talagang ginagawa, pero you keep yourself busy na parang may inaayos ka sa bag mo kahit wala naman talaga. Habang ako madaling-madali ikaw eh parang ‘take your time’ sa ginagawa mo kahit wala naman talaga. Pero nung di pa tayo nagkikita eh parang nagmamadali ka din.

At narinig ko na naman ang boses mo for the 2nd time. Natatawa ako sa pagkakataon na yun kasi tuwing nagkikita tayo ng malapitan, lagi kang nag-sasalita mag-isa. Na parang lagi na lang may nawawala sa gamit mo. Pero OK lang cute at maganda ka pa rin naman.

At dahil tayong dalawa lang that time, hindi ako sure kung may balak ka bang i-aproach ako dahil lagi na tayong nagkikita o hinihintay mo na ako mag-aproach sa ‘yo. At para naman hindi halata na ‘crush na crush kita’ eh pinauna na kitang makaalis. Nag ‘take my time’ din ako, at dahil di mo na ako nahintay sa sobrang katagalan ko sa kinalalagyan ko eh umalis ka na rin. Sasabayan na sana kita kaso torpe ako eh.

This day akala ko hindi kita makikita kasi it’s Saturday! Madalas lang naman kasi kitang nakikita pag umaga o gabi. Pero expect the unexpected pa rin! It’s official! Ang liit na talagang mundo natin lagi na kitang nakikita. Pati ba naman sa kakainan ko adoon ka pa rin.

Di talaga ako nag-expect na makita ka dahil imposible pero nangyari pa rin. Oo nakita kita! Pero kunwari uli di kita nakita. Nakapila na ako para umorder at may nakapila na rin sa likod ko. At imbis na pumila ka sa likod ni ate sa likod ko, eh adun ka sa gilid ko at tumatanaw ng oorderin. Nararamdaman kita kasi nasasagi mo ako. Kinikilig ako siyempre pero patay malisya pa rin ako.  Poker face lang! HAHA

Hindi ka umaalis sa gilid ko, hindi ko sure kung nakapila ka ba o sisingitan mo si ate na nasa likod ko. At for the 3rd time pinarinig mo na naman ang boses mo. Alam ko sinasadya mo na. Nagpapapansin ka na (assuming ako..HAHA)!. Pero dahil great pretender ako kunwari di ka nag-eexist.

Lahat ng pagod ko this day ay nawala. You made my day. Sana eh araw-araw na lang kitang makita. Para kang multi-vitamins sa katawan ko. Bigla ako na-eenergize pag  adiyan ka.

Nagtataka lang ako, sa nilaki-laki ng mundo eh laging nagtutugma yung oras at lugar ng pinupuntahan natin. Napaka-laki ng mundo para magkita tayo sa mga lugar na hindi naman dapat tayo nagkikita. At ang stupid ko dahil  kelan ko lang na find-out na ilang blocke lang pala ang layo mo sa amin. HAHA. Di ko man lang alam na ang lapi-lapit mo lang pala sa amin. Akala ko pa naman kung saang malayong lugar ka nang-gagaling.

I know you but I don’t know your name. HAHA. Ang daming coincidence na nagkikita tayo. Destiny at meant to be. At para lang akong high-school na may crush. Kilig-kiligan.

Sa tinagal-tagal ng panahon bat parang ngayon lang uli ako nainlove? Nagkacrush? HAHA. Wala akong paki. Ang mahalaga inspired ako. HAHAHAHA.  At di rin ako hoping. Di na man siguro masamang mainspire. HAHAHA. Makikilala din kita at kakaibiganin kita sa right time and right moment.

6 comments:

  1. Replies
    1. Di ka na ganun kadalas magpost. Haha. Busy? o Tinatamad?

      Delete
  2. bro, alam mo ang sarap gawing fliptop yung ikalawang sentences mo! ang galing lang!
    ika nga nila sa pag-ibig mo lang mararanasan ang lahat ng dapat mong maramdaman mula sa lungkot hanggang sa saya!

    ReplyDelete
  3. Wag na patagalin yan! Kilalanin na agad! Mahirap na, maunahan ka pa ng iba haha

    ReplyDelete
  4. ipakilala na yan! ngayon din! haha

    ReplyDelete