Naniniwala ba kayo sa salitang malas? At salitang suwerte?
Ako hindi! ….Dati! . . .
. . .pero ngayon napatunayan ko na yung mga words na ito ay
talagang present sa paligid.
I-share ko lang sa inyo ang mga experiences ko sa pag-aaply
ko sa trabaho.
![]() |
http://www.barbaraleung.com/wp-content/uploads/2011/03/job-hunt.jpg |
Last year October 2012 ng matapos ang board exam ay todo na
ako sa job hunting. Pero habang nag-rereview pa lang kami ay naghahanap na ako
ng trabaho dahil sa isang sobrang lalim na rason. Pero hindi ito financial…HAHA
Lahat ng inaaplyan kong kompanya ay lagi akong pumapasa,
umaabot pa nga ako lagi sa final interview at job offer. Yung tipong mamimili
na lang ako kung saan kong kompanya gusto. At siyempre dun ako kung saan mataas
ang offer. . .
Sa final interview ko sa napili kong kompanya, ay
todo-todong late ang inabot ko. Salamat sa traffic sa EDSA! Pero nakarating ako
sa kompanya kaso I’m too late na! 8 am ang call time pero 9 am na ako dumating.
At ang sabi pa ng guard sa akin, “Ano ba oras ang interview mo?”. “Alas-otso
po!, natraffic po kasi ako eh.”, sabi ko. At alam ko naman na hindi excuse ang
traffic.
Sabi niya uli, “Naku umalis na yung mag-iinterview sa’yo!
Nakaalis na nga rin yung kasamahan mong ininterview”. At kinabahan na ako
bigla. Sabi ko sa sarili ko baka wala na
akong pag-asang makapasok sa kompanyang ito. Pero nagawaan ng paraan ng guard (gayanyan ka-powerful si Manong Guard).
My ibang nag-interview sa akin, at ito yung manager. Mukha siyang mabait, pero
binalaan ako ng guard na mag-ingat ako. Pero hindi ako kinabahan dahil forte ko
naman ang interview dahil maboka naman ako.
I admit ito yung magiging first job ko hopefully. Ako eh
walang kaalam-alam sa pagtatrabaho. Pero dahil matapang ako, push pa rin.
Madaming pangaral yung nag-iinterview sa akin. Yung tipong ang pinapalabas niya
eh hindi ako fit para sa position at hindi sapat na gusto ko lang yung
position. In short hindi niya ako i-hihire.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabe niya sa akin, “Enjo ,wag mo sabihing gusto mo tong work na toh,
dahil hindi mo pa naman ito nararanasan. At wag mo sabihing magugustihan mo ito
dahil di mo pa naman to nahahawakan ng matagal.”
Sinabi niya sa akin yan sa wikang ingles. Pero di niya ako natinag, at I insisted na
gusto ko talaga yung position. The conversation goes on at antagal namin bago
natapos. Ang daming kuwentuhan at pagtatanong. Di nagtagal at sa wakas natapos na rin ang aming board meeting.LOL
At ito na ang final jusgement niya sa akin. Ito na ang final words niya at the end of the interview, “You may go now, at pag-isipan mong maige kung gusto mo ba talaga
itong pinapasok mo. Bago ka pumasok sa isang bagay, pag-isipan mo muna. You may
go now.”
Aalis na sana ako pero bigla akong nag-pahabol ng tanong sa
kanya, “Ma’am, ano po yung dahilan kung bakit hindi niyo ako hinire?”(siyempre in english din). At sabi niya, “You know Enjo, frankly
speaking your’e good! Magaling ka! But this is not the right company for you to
start with. I’m sorry.”
"Ouch! Ang sakit!" Parang pwede na akong mamatay that moment sa
mga narinig ko! Parang pede na akong lamunin ng lupa sa mga salitang pumasok sa
tenga ko na wala ng balak umalis. At doon palang alam ko ng it's a NO! I did not make it! Di ako tanggap.
So walang ano- ano ay para akong pinalayas sa
kompanya nila. Nawalan na ako ng pag-asa.
At nawalan na ako ng gana. As in lumong-lumo akong lumabas sa kompanya nila.
Wala man lang siyang sinabe kung tatawagan niya na lang ba ako or what. Pero
wasak na wasak ako that day. 2 hours niya akong ininterview at alam kong I did
great sa interview pero ewan ko, I felt na hindi ko na-prove yung sarili ko. I
felt very inferior that time. Kasi it’s my first time to be rejected pag dating
sa ganitong bagay.
Tulala akong nagpalakad-lakad. Tulala akong sumakay sa bus.
Feeling ko isa akong kahihiyaan. Hanggang umabot na ako sa MRT ay tulala pa rin
ako. Ang sakit talaga! As in para akong minura-mura at dinegrade. At parang
paulit-ulit na tinapaktapakan ang pagkatao ko.(OA KO NOH?HAHA)
Maya-maya pag check ko ng phone ko, may tawag ng tawag na
manila number. Hindi ko na napansin dahil sa sobrang pagka-dismaya ko. Alam mo
yung almost there na ako, pero na-waley lang.
Tawag pa rin ng tawag yung number. At alam kong isa lang
yun sa mga kompanyang inapplayan ko. Wala ako sa mood makipag-usap that time.
Sabi ko sa sarili ko ayaw ko na munang magtrabaho.
Ring pa rin ng ring ang phone ko. At para sa ikatatahimik
nung tumatawag, sinagot ko na ito.
“Hello good afternoon this is Enjo!”, sabi ko. Tapos parang
excited na excited yung boses ng tumawag sa akin. “Hello this is Janice, I
want to inform you that you passed the final interview with Ms. CHUCHU early
this morning.”sabi nung boses. Sumagot
ako, “No, I did not pass the final interview this morning”. Pero pinipilit niya
pa rin na pumasa ako. At sabi ko uli “No! Ms. Chuchu told me that I did not
pass the interview.”
At natawa ang HR sa akin at paulit-ulit kaming nag-argue na
hindi nga ako pumasa. Until sinabi niya na iniinvite niya ako for job offer
kinabukasan. At dun ko lang talaga narealize
na pumasa pala talaga ako. “Oh God! Yes I made it!” HAHAHAHHA
Biglang nabago yung mood ko that moment. Bigla akong
nagkaroon ng bagong pag-asa at bright future ahead. Ang saya-saya kong umuwe at excited na akong
ipamalita sa mga dormmates, slash classmates, slash kaibigan ko ang balita.
Sabi ko na lang sa sarili ko, “Walangyang manager na yun pinahirapan pa ako
ipapasa din naman pala ako!”
P.S.
Sa haba ng interview ko with the manager may iyakan portion
na naganap. HAHAHA. Oo as in hagulgol and everything. Kasi naman may inopen
siyang sensitive topic about family, at ewan ko bigla na lang ako napaluha ng
tuloy-tuloy. Damn her! Parang tuloy akong batang kinawawa dun. Pero mabait yung
manager ha. Maayos kaming nag-usap. Para siyang mentalist na kayang buksan ang
inner ME. Napaiyak niya ako,at dahil jan na-hire ako. Effective pala ang
pagda-drama ko….hohohohoho
…to be continued
Hahahaa.. Ma try nga mag drama sa mga future interviews ko. Honestly, hindi ako naniniwala sa malas siguro lang may reason ang lahat ng bagay. And I think you've proven your worth dahil pumasa ka. Bilang nasa HR field isang way ang pag decline sa isang aplikante for them to see kung interesado ka ba talaga sa posisyon na inaplayan mo or youre just testing the waters. Hehehe.. Anyhow, CONGRATULATIONS sayo.. Goodluck sa new job and enjoy!!
ReplyDeleteHaha...parehas lang naman tayong di naniniwala sa malas pero minsan di ko sure kung conincidence o kamalasan talaga..haha
DeleteAt wow HR ka pala...gusto ko din maging HR...haha..gusto kong ako ung ngaiintirview sa mga aplikante...And i like the word "anyhow"..HAHA...and "no worries"...LOL
Ayoko sa mga iniinterbyu ang umiiyak. LOL. Buti di ako ang natapat sa interbyu mo :P
ReplyDeleteCongratulations sa trabaho? Nito lang ba yan o matagal nang nangyari?
Part 1. May part 2 pa? Seryoso?
Sir 0P wag mo sbhng HR ka dn?hehe...well . di nmn tlg ako iyakin...and im stronger now...hahha
DeleteA year ago pa yan sa first work ko....hahhaa..oo seryoso my part 2 pa...pero ibng kompnya na....hahaha
1. May bago lang akong dagdag na posisyon sa trabaho na kelangan ako magsala ng mga gustong pumasok sa kompanya.
Delete2. Walang masama sa pag-iyak. Kaya lang rasyonal ako sa pagkuha pagdating sa employment. Quantifiable dapat ang mga bagay-bagay.
Whahaha. Naalala ko ang first job interview ko. :D
ReplyDeleteKamusta naman 'yung naging work mo rito?