Saturday, August 24, 2013

Epic Fail 101 : Akala mo Crush Ka ng Crush Mo!


Minsan ba na-feel mo na may gusto rin sa ‘yo ang crush mo? Yung tipong gusto mo ng gumawa ng first move para madevelop kayo sa isat-isa. Naku! Teka. Hinay-hinay lang baka naman ang inaakala mong pagtingin niya sa ‘yo ay wala naman talaga. Baka naman it’s all in your mind. Baka naman masyado ka lang kung makapag-bigay ng meaning sa mga bagay-bagay. Pero ano nga ba ang mga dahilan kung bakit minsan, akala mo ay crush ka din ng crush mo?

http://pad1.whstatic.com/images/thumb/a/ae/Escape-the-Friend-Zone-Step-5.jpg/550px-Escape-the-Friend-Zone-Step-5.jpg

1. Love at first sight, eh Love at 2nd sight kaya?

May crush kang isang tao at one day nahuli mo na lang ang crush mo na nakatingin sa ‘yo. At bago ka pa man tumingin sa kanya eh nakita mo na siyang naka-sulyap sa ‘yo. And Yes! Todo kang kinilig. At dahil jan lumingon ka uli, at confirmed sa 2nd mong tingin na talagang tinitignan ka niya.

At this moment di pa kayo magkakilala pero ikaw kilalang-kilala mo na siya, mula ulo hanggang paa. Mula sa mga hobbies niya at mga favorites niya. Finofollow mo pa nga siya sa twitter niya eh at na-add mo na rin siya sa FB niya, pero siya hindi siya aware.



2. With a Smile

Sa 2nd day ng pagku-krus ng landas niyo eh bigla ka na lang nagulat! And you’re right nginitian ka niya. At bigla ka na lang napatanong “Teka close na ba kami?” o kaya naman “Shit! Kilala niya ba ako?”. At dahil jan nararamdaman mo na parang gusto niyang makipag close sa ‘yo. Yung feeling mong  parang gusto ka niyang maging close friend. And well tama ka jan! Gusto niya talagang mapalapit sa’yo!

Kasi interesting ka. Kasi sikat ka. Kasi kaibigan ka ng lahat. At kasi masarap kang kasama. Parang gusto niyang sumama sa circle of friends mo.


3. Can We Just Stop and Talk for a While

Habang nag-iisa ka sa cafeteria nakita ka ng crush mo na nag-iisa. Well, nag-iisa din naman siya so lumapit siya sa tabi mo para maki-table at sinabeng “Hi! May kasama ka? Puwedeng maki-upo?”. At siyempre sasabihin mo “Oh Sure!”. And at this very very moment kinokontrol mo ang emosyon mo. Kunware seryoso ka. Kunware demure kang tao. Kunware wala kang nararamdaman sa kanya. Ni hindi mo nga magawang ngumiti sa kanya, baka kasi mapansin niya na kinikilig ka. Pero deep inside ang puso mo eh halos tumalon-talon na sa tuwa. Yung tipong ang dami-dami mo ng sinasabi sa isipan mo like, “Ohygawd this is it! Face to face! Eto na yun! Nilapitan na niya ako!!!Roar!”.

At dahil jan you will take advantage of the moment. Makikipagkwentuhan ka! Aalamin mo ang lahat ng tungkol sa kanya! Ang pamilya niya, ang pagkabata niya, at ang buong pagkatao niya. Magmimistulang Question and Answer portion ang kuwentuhan niyo. Aalamin mo kung ano ba ang mga common interests niyo para mag-jive at mag-click kayo. At habang nag-uusap kayo, you will showcase your most beautiful smile! In short magpapa-cute ka para lalo siyang ma-aatract at ma-inlove sa ‘yo.


4. Gaano Kadalas ang Minsan. . .

Dahil alam mo na ngayon kung saan siya laging tumatambay at pumupunta, aaraw-arawin mo na rin ang pag-punta doon. At talagang ooras-orasin mo ang pag-punta doon ma-timingan lang siya. And finally adiyan na siya! At kunware di mo siya nakikita kahit adiyan lang naman siya sa tabi mo habang umoorder ka. At sabay sabing “Ui adiyan ka pala?”, as if di mo siya nakita then sabay alis papunta sa mesang uupuan mo. Kunwari wala lang sa ‘yo pero deep inside gusto mo ng sumigaw sa tuwa.

Siyempre ineexpect mo na tatabihan ka uli niya sa table mo. At inaayos mo na ang sarili mo. Todo paganda o paguwapo ka na. Kunware patay malisya na hindi mo siya nakikitang palapit sa ‘yo. Kumakabog na ang puso mo at sumisigaw ka na sa tuwa. And there you go! Automatic ka na naman niyang nilapitan at makikipag-kuwetuhan na naman siya sa ‘yo. And this time magiging close na kayo. Feel na feel mo na close na kayo. Nabibiro niyo na ang isat-isa. With matching hampas-hampas pa at simpleng “tsansing” through pag-akbay or pag-hawak ng kamay niya. Habang ang mga ngiti niyo eh parang mga ngiti ng mga artista ng isang soap opera, yung todo pa-cute. Na parang gusto niyong akitin ang isat-isat. Lalo ka na! Ang landi landi ng ngiti mo yung tipong may sinasabeng, “Kelangan ma-fall ka sa akin..HIHIHIHI”. At dito may masama ka ng binabalak. May mga maiitim ka ng pina-plano. HAHAHAHA


5. Tara na Biyahe Tayo!

Dahil ang crush mo naman eh likas na loner at wala naman talagang masyadong friend, eh ikaw ang yayain niyang lumabas. Siyempre pag nagyaya siya o-OO ka agad! Sino ka ba naman para tumangi. Sasamahan mo siyang bumili ng damit. At kahit pagod na pagod ka na sa kakalakad eh iindahin mo na lang ang sakit at ngalay ng mga paa mo. Tapos yayayain ka niya papunta ng bookstore para humanap ng libro, kahit hindi ka naman talaga mahilig magbasa, eh magpe-pretend ka na interesado ka sa mga pinag-sasabi niya.

Habang tumatagal eh lalo na kayong magiging close at talagang panay na ang labas at lakwatsa niyo. Kung saan-saan na kayo nakakarating. Nakakapagsine na kayo together. Lihim mo siyang tinitignan sa dilim. At panay ang dikit ng siko at braso mo sa kanya habang kumukuha ng popcorn. At pag lumalabas kayo ayaw mo na may ibang sasama sa inyo. At pag nkakaramdam ka na may ibang friend kayong gustong sumama magyaya ka na agad paalis. At siya naman sasama din naman whole-heartedly.


6. I Think I’m Inlove

Habang tumatagal di mo namalayan na talagang na-fall ka na. As in ang lakas na ng tama mo. Yung tipong nasanay ka na, na everyday kayong magkasama. Yung tipong “my day is so lonely without you”. Masyadong ka ng nasanay na gabi-gabi kayong magka-text. Araw-araw kayong sabay mag-lunch at umuwi. Gabi-gabi kayong may gala after ng work or school. Then naiinis ka na pag ambagal-bagal niyang magreply sa chat or text mo. At minsan pag nagyaya kang lumabas, eh magtatampo ka kasi may iba na siyang lakad. JOWA ka? Kung makapag-demand to akala mo sila.

And at this point, bigla mo na lang nasabi sa sarili mo na ,”Everything has changed, hindi na niya ako mahal. . . ”. Teka kayo ba? Para mag-OA ka ng ganyan. Sinabi niya bang mahal ka din niya? Nagsabi ba siya na gusto ka rin niya? Nagpakita ba siya ng intension at motibo? O ikaw lang talaga tong “assumero” from the start.


7. If I’m Not Inlove With You. . . .

“Time space warp,,,,,ngayon din!” At dahil diyan, magsisimula na ang pag-iinarte mo. Lay-lo ka na muna sa pagkikita niyo. At hindi ka na muna magpaparamdam sa kanya. Hindi ikaw ang unang mag-tetext tulad ng ginagawa mo pag-gising mo sa araw-araw. Pero dahil di ka talaga makatiis di mo mapipigilan ang sarili mo na i-text siya. But still frustrated ka dahil hindi siya nag-rereply sa ‘yo. At kung magreply man siya eh tulog ka na uli kasi gabi na. Pero dahil sweet siya mag text sa ‘yo mag-assume ka na naman na may gusto talaga siya sa ‘yo. And you will say na….


8. Let’s start all over again….

..”Let’s give it another try. Let’s give it one more chance.” At dahil diyan okay ka na agad. Bilis di ba?? Bati na uli kayo. Though hindi naman siya aware na nagtampo ka pala sa kanya.

Dahil gusto mo siyang makita, pumunta ka sa cafeteria kinabukasan na lagi niyong tagpuan. At doon nasaksihan mo ang pinaka-masakit na bagay na nagpatigil sa ikot ng mundo mo. As in ARAY! OUCH! HOW DARE YOU DO THIS TO ME! Lahat yan nasabi mo sa isip mo.

Nakita mo siyang may dini-date na iba. At bigla ka pa niyang tinawag at nilapitan at may pag-akybay pa sa ‘yo. Sabay sabi, “Ui may papakilala ako sa ‘yo! Yung crush ko na dini-date ko”. At hindi mo alam ang mararamdaman mo that very moment. Bigla kang naghina na parang naiiyak. At pilit ka na lang ngumiti, kahit deep inside eh ang lungkot lungkot mo na. At para hindi na patagalin pa ang agony mo. Sinabi mo sa kanila, “Ui, una na ako ha baka makaistorbo ko pa kayo. HEHEHE…Alam niyo bagay kayong dalawa..HEHEHE” . Sinungaling ka! Amplastik mo! F*** You ka! Yeah, pinilit mong ngumiti at magpaka-plastik. Well, naiintindihan kita kahit ako ganon ang gagawin ko.


9. Where Do Broken Hearts Go?

Men! Na-friend zone ka! Gumising ka na! Hindi totoo ang fairytale! Yung inaakala mo na mga sweet conversations niyo, at mga inaakala mong mga sweet texts niya sa ‘yo, eh wala lang pala talaga sa kanya. Likas na sweet at friendly lang pala talaga siya sa lahat. At dahil masyado kang mapagbigay-kahulugan sa mga acts niya sa ‘yo, eh eto ka ngayon sawi, bigo at luhaan.

Pag-uwe mo tulala ka na lang at hindi makatulog kakaisip. Yung tipong umaga na eh umiiyak ka pa rin, at yung mga mata mo kirat na. At ngayon pag-nagkita kayo, paano mo i-eexplain ang kirat mong mga mata?!HAHAHA


10. Kaibigan lang pala..kaibigan lang pala

Ngayon no choice ka na! Dahil wala ka ng magagawa kung hindi tanggapin ang FACT na isa ka din  sa mga taong na-inlove at napaibig niya. Kaso wala ka ng magagawa kung hindi mag-pretend na you’re just a friend. Kesa naman mawala siya sa ‘yo eh magpapangap ka na lang forever na kaibigan lang ang tingin mo sa kanya. Kahit nasasaktan ka na, dahil sa ‘yo pa siya humingi ng advice tungkol sa crush niya eh magpapaka-MARTIR ka na lang. Kumbaga “Mas ok na may kaonting pagmamahal, kesa naman walang-wala”.

At this point masaya ka ng nakakasama siya lagi kahit nag-eexpect ka pa rin araw-araw na baka madevelop siya sa ‘yo. Ok na sa ‘yo na pasimpleng nagdidikit ang mga braso at katawan niyo. Ok ka na rin sa paakbay-akbay niya sa’yo as friend. Ang mahalaga lang sa ‘yo eh lagi mo siyang nakikita, nakakausap at nakakasama.

Ngayon ang turing niya sa ‘yo ay bestfriend niya. Ikaw yung magiging BFF niya na lagi niyang isasama pag may date sila. Ikaw rin yung pagsasabihan niya ng sama ng loob niya pag nag-aaway sila. Ikaw ang magiging bestfriend niyang laging adiyan kahit nasasaktan na. Magiging isa kang bayaning martyr na sikertong umiibig sa kaibigan, na nag friendzone sa ‘yo.  Ang saklap no?!!HAHAHA

Pero tandaan! Wag mawalan ng pag-asa baka malay mo dumating ang araw na ma-inlove siya sa ‘yo dahil sa kabaitan at kamartiran mo. In your dreams!!!HAHAHHA…..jewk

34 comments:

  1. Some people send the signals purely for the enjoyment of it. Mga malalandi! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga taong pa-fall noh? Ung tlgng sinasadya nila na mainlove ka saknila...then in the end friendzoned ka....hahahha

      Delete
  2. Wag kasing feelinggero hahaha kasi minsan feelinggero tayo , pero on the other side ang sarap kya khit feeling lng hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha...londe ng tawa...

      Pero db mnsn prang my gsto tlg sau...prang cnsdya nila...o mllndi lng tlg cla?haha

      Delete
  3. Hahaha naka relate ako sa ilang items dito ah! Haha! May time kasing naging assuming ako hehe :) Perfect sa aking ang number 10 :)

    Mahirap kasi minsan pag lagi kayong magkasama, na lilito ka kung crush ka din nya o sweetness lang yon dahil magka ibigan kayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero wats d meaning of malalagkit na tinginan at mga sweet ma haplos at pagahaeak?haha..pagmamahal ng isang kapatid?LOL

      Well baka my mga tao lang tlgng sobrng sweet....

      Delete
  4. Nakakatuwa naman tong post na to! Nakakarelate kasi ako. At sa sobrang katuwaan ko binasa ko ito ng buo sa mga officemates ko :))

    ReplyDelete
  5. uy, bigla ka yata nagbakasyon sa posts mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Onga Sir mejo matagal nawala...busy busyhn sa trabaho..update na lng ng paonti-onti...^^

      Delete
  6. kahit naman ako aasa kung ganun. hahaha

    hindi friendzoned yun! paasa tlga siya. hahhaa

    :3

    ReplyDelete
    Replies
    1. well may mga tao talagang ganyan..intentionally at unintentionally...pero 90% intentionally....HAHA

      Delete
  7. HAHAHA, thanks dito aah! katuwa :D

    ReplyDelete
  8. BAKIT TUWING NAGKIKITA KAMI TINITGNAN NIYA AKO??

    ReplyDelete
  9. Wag kcng masyadong mag assume while your not sure the feelings of each other, malay mo frens lng tlaga ang treat nya sau...

    ReplyDelete
  10. Ganito din ako eh pero pano nga po kung nagkakatinginan nga kayo mga lagpas ten times a day yung prang lagi syang may sasabihin yung mga ganun

    ReplyDelete
  11. Pano kya sya kalimutan :((( friendzone

    ReplyDelete
  12. Sobra na kakaksakit ng damdamin ,,ayawko na mag boyfriend

    ReplyDelete
  13. Move on! I-block sa FB!... pero hayaan mo munang I-follow ka niya sa Twitter hahaha!

    ReplyDelete
  14. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  15. S nbasa q ngaun isa LNG n realize q maling akala lhat...:'(

    ReplyDelete
  16. Haha! Nakarelate ba kayo guys?

    ReplyDelete
  17. me too as well so relate ;).. 3 yrs nakami mag kaibagan everytime nag kikita kami iba un tingin nya saken its seems meron talga... pero di ko sya itake as advantage.. mahirap na.. but you have to be contended .. kung anu meron. kau anu ba mahalaga sau?

    ReplyDelete
  18. it's a real thing :(

    ReplyDelete
  19. Mejo nakaka relate ako dito hehe mejo lang naman. My name is anneka i'm 27 y.o. may nireto sakin dati ka workmate ko itago nalang natin siya sa name na B. 23 y.o. lang siya.kada lunch break namin pinag kakatuwaan kami hanggang sa naging friends kami lagi na siyang nag paparinig sa kanta kianakanta niya yung kantang "kailan" and then nung bday ko nag dala siya ng 2 gallons ng ice cream Sa work namin nag pakain kasi ako so nag taka ako bakit siya may dalang ganon sabi niya para daw isabay ang bday niya at handa niya yun sa endo niya . Sa isip ko naman dec pa bday niya ako january bday ko tsala endo niya march. Hinayaan ko nalang. And then lagi siyang nakikita ng mga ka workmates ko na laging naka tingin sakin naka titig laging nasulyap.Actually nakita ko nga nakatingin siya. ayon hanggang sa naging close kami nag chachat sa fb hindi ko namamalayan masaya ako sa mga nangyayari inaaya niya ko na gumala tinanong niya kung may ka date ba ko sa valentines gala daw kami kaso di ko sinagot yung tanong niya hehe! nag chachat parin kami lagi tuwing gabi hanggang madaling araw. And then pag lunch break sabay din kami pero may kasama kami mga ka workmates namin.then hanggang sa hindi ko maintindihan yung feelings ko sinabihan ko siya sa chat ng wag na niyang gawin yung mga sinasabi ng supervisor namin baka napipilitan lang siya sa mga ginagawa niya Masyado siyang bata para sakin alam ko naman na ka age mo ang gusto mo.nag sorry siya sakin .nag sorry din ako sa personal hanggang feb 14 na wala siyang gift sakin tinatanong siya ng mga ka wotkmates ko king ano gift niya sakin wala di siya nasagot hindi ki nag papansinan nung feb 14 hanggang sa iniiwasan na niya ko kinakausap niya ko pero about sa work lang.ang dami niyang reason para hindi lang ako maka sabay mag lunch pero lagi parin siyang natingin sakin naka titig at nag paparinig sa kanta Mga kanta na niya "halik sa hangin","say something I giving up on you", "unbreak my heart" , "take that for good" Hanggang sa nung endo niya sinabi ko na sa chat na mahal ko siya hindi ko lang masabi dati pero nung siya na ang tinanong ko kung bakit ba siya laging nakatingin sakin hindi na siya sumagot. Hindi na siya nag reply. Humingi lang siya ng pasensiya at nag good luck sa akin masaya na daw siya kung ano man.. anong ano man yun? Hindi ko maintindihan. sa totoo lang hindi ko alam kung nag ka gusto ba siya sakin noon?? o ako lang ang assuming.dapat pa ba akong maghintay? O nag hihintay lang ako sa wala?

    ReplyDelete
  20. HAHA. Nakakarelate ako dito. pero ayokong mag assume kasi pasulyap sulyap lang ako sakanya 😀👍

    ReplyDelete
  21. minsan kasi hindi talaga maiiwasan na malagyan ng meaning ung mga ginagawa nya sayo or mga sinasabi eh. kasi nga may gusto ka dun sa taong un.
    tas malalaman laman mo na joke lang pala un para sa kanya! daef. nakakatae lang. hahahah

    ReplyDelete
  22. 😢 hahai... Bakit ganun... Mas mahiram mag move on ky crush (friendzone) compare ky ex...?

    May mga bagay lng cguro na kahit gus2hin natin pero hindi pwede... Hindi pweding maging kayo kasi hangang kaibigan lng tingin nya sayo... Gus2hin ko man mag move on agad pero subrang hirap lalo na everyday tau nagkikita.. (work) 😢😢😢 K sana naging akin ka nlng para everyday happy... UMAASA PA RIN...

    ReplyDelete
  23. Hi :) Pwede ba manghingi ng Advice sayo? May kaibigan kasi ako, Boy sya. Nararamdaman ko kasi na talagang may feelings sya, di naman kasi ako ganon kamanhid e. XD Or nuknukan lang talaga ako ng pagkaASSUMERA. Pero dumating yung time na, nagpahiwatig talaga sya. Sinulat nya yung Initials ko then may words na "I like you" sa baba. :) Ayaw pa nga nya pakita sakin e. Pero at the end, nabasa ko pa din. Tapos nakatingin sya sakin habang binabasa ko. Di ko alam kung anong irereact ko e :3 Ayun speechless ang lola mo. So? Ano bang dapat kong gawin? Gusto ko din naman sya :)Tama ba tanggapin ko yung feelings nya para sakin? Pero ayoko din naman na kapag nagkaroon kami ng samaan ng loob, magend yung friendship namin, isa kasi sya sa mga kaibigan ko na tinetreasure ko talaga. Help naman o. :) Salamat in advance.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maaari mong tanggapin ang feelings nya if handa kang mawala ang friendship nyo kapalit ng pagkakaroon nyo ng relasyon.. Pero ang advice ko talaga eh stay friends. Kasi yung friendship may forever yan. Ang relationship Wala.

      Delete
  24. Yung every line tugmang-tugma...Nakakatawa...
    May ganyan din ako, ewan ko kung friend and itatawag ko. Kasi sure akong hindi officemate kasi auditor ako, accountant siya...Sa nature pa lang ng work namin, semplang na agad kasi conflict of interest...
    Pero sya naman yung unang kumausap sa kin in person (and although ako yung unang nag-add sa kanya sa FB, siya pa din yung unang mag-message)
    Feeling ko assumera lang talaga ako...
    So recently I've decided to stop chatting him
    Pero pano kung mag-start na naman siya ng convo? alangan namang seen zoned lang..(eh kukunin ko pa sa kanya yung season 4 - 6 ng Game of Thrones, hahaha, siya kasi nag-suggest, ako naman si tanga, sige nuod lang)
    Ang hirap...nakakatawa na parang boba lang...
    hahaha

    ReplyDelete
  25. people need to learn how to see the signs...=)

    ReplyDelete