.jpg)
Nakakalungkot isipin na wala kang magawa dahil kaibigan ka
na lang niya o dahil estranghero na lang kayo sa isat-isa.
Pero wala ng mas lulungkot pa pag nalaman mo na hindi na ikaw ang dahilan ng kalungkutan at kasiyahan niya.
Dati-rati masarap sa pakiramdam dahil ikaw yung dahilan ng
pagkalungkot niya.. dahil may pinagseselosan siya.
Pero masakit yung katotohanan na kahit anong sakit pa yung
nararamdaman niya hindi mo na siya pedeng lapitan at yakapin para damayan pa.
Hindi na kasi ikaw yung makakatulong sa kanya.
At hindi na rin ikaw ang makakapag-pagaan ng loob niya.
Ang magagawa mo na lang ay umantabay at maghintay na sana mawala
na yung sakit na nararamdaman niya.
At kasabay nito . . .
. . hinihiling mo rin na sana mawala na yung sakit na
nararamdaman mo. .
. . dahil alam mo sa sarili mo na hindi na ikaw . .
. . .na “It’s Not About You Anymore”.
.