And out from nowhere bigla niya akong tinanong. “Kuya! Anong mas masakit? Yung goodbye na di pa naririnig ng tenga mo pero naramdaman na ng puso mo? O yung goodbye na sinabi sa ‘yo ng harapan?”. (At naalala ko yung image na inatach ko sa isa mga posts ko na may kataga nan. Sure akong doon niya nabasa yun.)
Pero walang ano-ano at sumagot
agad ako with conviction (sa pinadaling salita ay parang may
pinag-huhugutan..HAHAHA)! Sabi ko.. .
“Siyempre yung una! Yung goodbye na di pa naririnig ng
tenga mo pero naramdaman na ng puso mo. Yun bang hinihintay na lang yung
pagsuko mo. Yung hinihintay na lang na mag-giveup ka, kasi siya matagal ng
sumuko . Ayaw niya lang bumitaw kasi ayaw ka niyang masaktan. At dahil ayaw ka niyang
masaktan, ayaw niya na mang-gagaling sa kanya ung first move na makipag-break.”
……”ayaw niyang siya yung
mag-mukhang masama. At masisi at makonsensya dahil siya yung dahilan kung bakit
ka ngayon nagkaganyan.”,follow-up ko pa.
“Oo nga kuya! Ayaw nila na sila
yung masisisi sa huli. Ayaw nila na sila yung mag-mukhang masama. Kaya ang
gagawin nila hihintayin nila na ikaw na yung mismong mag-sawa at mag-give up.
Yung ikaw gumagawa pa ng paraan para ayusin yung relasyon niyo, pero siya
gumgawa talaga ng paraan para bumigay ka na. Para ikaw yung unang makipa-break.”
, sabi niya na parang may pinaghuhugatan din. At bigla niya pang dagdag. . .
“Pero para sa akin kuya, mas
masakit yung goodbye na sinabi ng harapan……….”. At di ko na matandaan yung mga
sunod niya pang sinabe. Pero lahat yun alam kong may sense at naramdaman ko
talaga. Nakalimutan ko man yung mga words at thoughts na ginamit niya, pero
alam kong pumasok lahat yun sa sistema ng bawat brain cells ko.
Pero napaisip din ako bigla.
Natigilan ako. Napatanong ako sa sarili ko, “Ano nga bang mas masakit sa
dalawa?”. Pati ako nahirapan na ulit sagutin yung tanong niya.
Sa totoo lang parehas lang naman
talagang masakit yan. Ano mang form yan, or ano mang way sinabi o pinaramdam
yan. Eh GOODBYE at GOODBYE pa rin yan. For good na! No turning back! And it’s
final and irrevocable. No 2nd chances!
Parang pakiramdam yan ng panonood
ng paborito mong telenovela na alam mong magtatapos na. Hindi mo alam kung
bakit ka nalulungkot. Nalulungkot ka ba dahil hindi mo na mapapanood yung
araw-araw na istorya na tinutukan mo? Or dahil hindi mo na makikita ang mga favorite
characters mo, na minahal at naging bahagi ng everyday na buhay mo? Or
nalulungkot ka dahil sa naging ending ng telenovelang super tinutukan mo? Tears
of joy ba ito? Or tears of sadness?
Kahit ano pa yan let’s face the
fact na lahat ng bagay will come to its ends whether we like it or not. Ang
importante, kahit ano pa ang naging ending
ng telenovela na yan, alam mong napasaya at napagaan nito ang loob mo.
Alam mong madami kang natutunan at kahit paano alam mong nag-enjoy ka. Umiyak
ka man sa ilang episodes nito. Naging malungkot man ang ending nito. What
matter, is yung mga magagandang memories and lessons na babaunin mo forever sa
buhay mo.
At wag kang OA hindi yang ang
huling telenovela na mag-papaibig sa ‘yo! HAHAHA
Pero ikaw ano ang pinaka-masakit
na goodbye para sa ‘yo?
Goodbye na di ka tiningnan ng mata sa mata.
ReplyDeleteBakit naman Sir OP? Anong meron sa mata sa mata?=))
DeleteParehong masakit kung parehong "goodbye" na hindi na talaga babalik. Hmmm pero kung papipiliin talaga ako, siguro...
ReplyDeleteyung goodbye na sinabi sayo ng harapan pero wala kang magawang pigilan yon.
Tumpak! that's it! yung goodbye na wla ka ng magawa kung hindi to watch her walk away...
Deleteiiyak na yan!HAHA
Hindi naman siguro lahat ng good bye, ibig sabihin kakalimutan ka na. I guess, may relevance yung ibang good bye. Para san pa yung word na wrong time di ba, malay mo, kung di man ngayon, dumating din yung right time. Di naman lahat ng good bye e permanent. :D Ang galing mo po kuya sa pagsusulat. Idol po kita. :) HAHA
ReplyDeletehaha....so ano yung goodbye na di permanent??HHAH
DeletecOOL off muna gnon??hehe..."i need space and time?"
Siguro nga, tamang bumitaw sa isang bagay na nagbibigay sakit ng ulo. Itama yung katangahang ginagawa mo, at ibaling ang atensyon sa ibang bagay na ikatutuwa mo. Darating rin yung araw na sasaya ka ulit, at magagawa mo ngumiti ng wala ng kasamang pagpupumilit. Marahil nais ko lamang na kumbinsihin ka sa isang bagay na nakikita kong positibo, pero sadyang may mga bagay tulad nito na sensitibo. Mahirap kumalawa sa bagay na akala mo di mo kayang mawala. Pero masarap mabuhay na walang kahit anong iniinda. Maaaring mahaba ang proseso ng pagtanggap ng mga bagay-bagay, darating din yung araw na nalimutan mo na pala ang lahat ng walang kamalay-malay. Sa una lang naman masakit yan, pero hangad ko'y maging maayos ang 'yong lagay. Siguro nga, hindi siya karapat-dapat, dahil tulad mo ay dapat na pinaglalaban. Mananatili naman siyang kaibigan, kahit na may isang araw na lubos ka nyang sinaktan.
DeletePagpatuloy mo lang ang pagsulat mo... Upang sa ganon, lagi ka pa rin niyang mabantayan. At asahan mo, lagi syang nandyan, wala man sa tabi mo pero lagi kabg binabantayan.
Nadala sa pagtatagalog. :D Keep it up!
Haba.....haha...mykang my pinaghuhugutan at pinagdadaanan ka?haha...mukhang pra sau ang mga yan ah...haha
DeleteWell ang totoo nan wla nmn akong iniinda na sakitt...i've olready been in that process....and it's over and done...sa una mhrap but once u reached ur limit u cn finally say that it's really over...=)
Congrats! All is well! :)
DeleteParang mas masakit nga ang unang uri ng goodbye..kasi sa sarili mo mismo mangagagaling ang realization na mas mainam na mag goodbye, na kahit ayaw mo, ay kailangan. Pero actually, oo pareho lang masakit kasi pareho pa din syang goodbye. Basta pag nag goodbye na, dapat panindigan nya haha :)
ReplyDeletePag di na nag-wowork tapusin na natin sir zai zai...yeah masakit talaga pag ikaw pa ang nakaramdam.. at nakarealize na ayaw na niya=)
Delete
ReplyDeleteYong goodbye na di pa naririnig pero ramdam mo na? Mas masakit yan!Imagine the dilemma na araw-araw mong mararanasan, araw-araw kang kakaba-kaba at naghihintay sa alam mong paparating na katapusan ng inyong relasyon. Kumbaga eh alam mo ng sa ending din ang bagsak nyo, bakit kailangang patagalin pa? It's like prolonging the agony.
Para sa akin, There's no easy way to break somebody's heart, whether you said goodbye now, or later, in the end, masakit pa rin. Pero mas dobleng pahirap naman yon kung pahahabain mo pa at patatagalin.
Marami ang takot sa salitang goodbye, pero from the word itself, there's "good" in GOODbye. Realization at acceptance lang katapat nyan... then move on move on na!
Interesting tong blog mo!
Yeah sir Mar! Acceptance! Wag mo ng itortre ang sarili mo kung alam mo naman na ikaw na lang talaga ang lumalaban,,,
DeleteUnahan mo na siya sa break-up para di ka talo...LOL...=) Thnx for commenting...=)
Gusto ko yung pinaglalaban mo dito...=)
DeleteTinanong ko siya tatlong araw matapos naming hindi na mag-usap. "Gusto mo na bang makipag-break?" Ramdam ko na kasing malapit nang matapos. Alam kong unti-unti na siyang kumakawala sa akin kaya sinabi ko na ang kinatatakot niyang pakawalan. Hindi ako nagkamali. Gusto na niyang makipaghiwalay. Nag-iipon na lang siya ng lakas ng loob.
ReplyDelete"Gusto ko nang tapusin ito."
"Ok." Tanging sagot ko. Sumuko na rin ako sa kanya. Paano nga ba ako lalaban kung nag-iisa na lang akong kumakapit. Hindi naman nakalilipad ang ibon kung isa na lang ang pakpak nito.
Ngayon, halos isang buwan na ang nakalilipas. Naguguluhan pa rin ako. Dapat bang pinaglaban ko ang nararamdaman ko? Ako ba ang unang sumuko? Hindi naman ako ang nang-iwan pero pinamumukha nyang siya ang mas nasaktan.
Pero kailangan ko nang maglakad papalayo. Kailangan ko nang hindi na lumingon. Panindigan niyang mas magiging masaya siyang wala ako. Gagawin ko ring masaya ang bawat sandali ng pag-iisa ko. Maghahanap ako ng katahimikan. Doon, alam kong mas liligaya ako sa piling ko. Nasa sarili naman natin ang kasiyahan, di ba?
Hayy. Salamat sa blog post mo, pare.
Always smile. :)
Hello! Para po sakin mas ok na rin un kahit ano sa dalawa. Sigurado nahihirapan din kasi sya if ano ung gagawin nya, kaya pwede na rin yung iparamdam nya na ayaw na or sabihin na nya na goodbye. Kesa naman walang syang sinabi na goodbye, kahit paramdam wala din, basta nung minsan nag usap kau sabi lang nya "napapagod na sya" un lang, tapos ang usapan at umalis na. And hindi na nagpakita. Di mo alam if nahihiya ba sya or what? Di ba mas masakit un, di mo alam if may nagawa ka bang mali at sinabi nya un.
ReplyDeletePero salamat sa kanya at ginwa nya din un. Mas ok pala na hindi kayo ang nagkatuluyan in the end.
Un lang po.....(ang cool nang site nyo po...naligaw lang at nakita ko 'to)
thanx.
Masakit ang maiwanan pero wala ng mas sasakit na kahit alam mo na sa sarili mo wala ng pagasa.. patuloy ka pa din lumalaban. Binibigyan mo pa din siya ng pagkakataon magbago at ipakta sayo na mahal ka din niya na may halaga ka.. kahit nakikita mo na sa kilos at pananalita niya wala na.. pikit mata mo pa din tinatanggap kasi ayaw mo siya mawala. Hanggang sa mararamdaman mo na din mapagod at sumuko.. ikaw na ang gagawa ng decisyon, mabigat man sa loob mo pero gusto mo lang naman subukan kung tama ba lahat ng mga iniisip mo.. at pagkatapos ang maririning mo lang sa kanya.. tama na... ayoko na.. wag na tau magusap.. gnun kadali sabihin...pero napakasakit.. bigla ka na lang iiyak gabi gabi.. kahit ano pag ka bz mo sa trabho bigla ka na lang manghihina.. mgiisip kung bakit? ano nangyari? saan ako nagkulang? hindi pa ba sapat? mga katanungan na alam mo na ang sagot pero ayaw pa din tanggapin ng puso mo kasi hanggang ngyun mahal mo pa din siya.. na kahit gusto mo na lumimot napakahirap gawin.. :( basta ang alam mo lang ang sakit.. ang sakit sakit.. T_T.
ReplyDeleteMasakit ang maiwanan pero wala ng mas sasakit na kahit alam mo na sa sarili mo wala ng pagasa.. patuloy ka pa din lumalaban. Binibigyan mo pa din siya ng pagkakataon magbago at ipakta sayo na mahal ka din niya na may halaga ka.. kahit nakikita mo na sa kilos at pananalita niya wala na.. pikit mata mo pa din tinatanggap kasi ayaw mo siya mawala. Hanggang sa mararamdaman mo na din mapagod at sumuko.. ikaw na ang gagawa ng decisyon, mabigat man sa loob mo pero gusto mo lang naman subukan kung tama ba lahat ng mga iniisip mo.. at pagkatapos ang maririning mo lang sa kanya.. tama na... ayoko na.. wag na tau magusap.. gnun kadali sabihin...pero napakasakit.. bigla ka na lang iiyak gabi gabi.. kahit ano pag ka bz mo sa trabho bigla ka na lang manghihina.. mgiisip kung bakit? ano nangyari? saan ako nagkulang? hindi pa ba sapat? mga katanungan na alam mo na ang sagot pero ayaw pa din tanggapin ng puso mo kasi hanggang ngyun mahal mo pa din siya.. na kahit gusto mo na lumimot napakahirap gawin.. :( basta ang alam mo lang ang sakit.. ang sakit sakit.. T_T.
ReplyDelete