Sunday, August 11, 2013

I don't know, but when it rains. . . .


Hindi ko alam, pero sa tuwing umuulan isang alaala lang naman yung nananariwa sa aking isipan. Ito yung panahon na sumabay sa pagbuhos ng ulan yung lahat ng kalungkutan at lahat ng luha ng mga tao sa paligid ko na pilit kong tinaguan.








Alalang-ala ko pa nung sinabe ko sa lahat na aalis na ako, na kelangan ko ng lumipat ng paaralan. Madrama, pero sigurado na ako. Sigurado na ako sa pag-alis ko. Hindi ko gusto pero wala na akong nagawa at magagawa.


Nagulat ang lahat! Isa ako sa centro ng kasiyahan. Source ng kaingayan. At pasimuno ng kalokohan. Oo nalungkot ako, ako ang pinaka-nalungkot sa aming lahat dahil alam ko naman na kahit mawala ako ay kaya pa rin nilang maging masaya, habang ako dala-dala lahat ng lungkot at iiwan lahat ng ngiti.

Akala ng iba nagbibiro lang ako nung sinabe kong "Lilipat na kame ng bahay. Lilipat na ako ng school". Akala nila isa nanaman 'to sa mga biro kong hindi totoo. Pero ang totoo eto yung mg salitang napakahirap sambitin dahil di ka sigurado kung my paki-alam ba sila o wala lang sakanila.

Pero nagulat ako ng makita kong pumatak ang luha ng isa sakanila. Mga luha na wala ng balak tumahan, mga iyak na hindi mapigilan, mga pulang mata na aking lubos na kinaawaan. 

Napaka sakit na makita na yung taong umiiyak na yun ay yung taong lubos akong minahal at inalagaan. Yung taong sumalo sa akin sa lahat ng pag-bagsak ko. Yung taong minahal ko dahil minahal niya ako. Siya ang bestfriend ko, siya ang girlfriend ko.

Bigla na lang tumulo ang luha ko. Yung tipong hindi ko na kayang pigilan dahil sa mga nakikita ko sa paligid ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako lulugar, kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o kung patatahanin ko ba siya.

Lahat sila onti-onting simulang lumuha. Nakisabay pa ang lakas ng ulan at ang malakas na ihip ng hangin. Wala akong nagawa kung hindi tumakbo at lumayo. Para wala ng makakita pa ng aking pagluha, yung pagluha ko na hindi ko na kayang pigilan.

Pumunta ako sa lugar na alam kong walang makakakita. Sa lugar na inakala ko na walang pupunta. Pero adun siya. Oo adun siya. Ang taong minahal ko ng dalawang taon, ang taong alam kong sikreto akong minahal. Hindi ko man narinig galing sa kanya pero alam kong alam niya na mahal namin ang isat-isa.

Habang pababa ako sa hagdan nakita ko siya, nagpapakabasa sa napaka lakas na ulan. Habang lahat ay nasa silid aralan eto siya nag-iisa at basang-basa. Hindi ko inaasahan na mikikita ko siya. Ang alam ko asa loob siya at nagsasaya. Pero isa din pala siya sa mga nakaalam, nakaalam sa malapit kong paglisan.

Oo! Sinadya kong marining niya! Dahil gusto kong malaman ang magiging reaksyon nya. Hindi niya ako binigo. Kahit onti naibsan ang nararamdaman ko ng malaman ko na pati pala siya ay may naramdaman.

Alam kong lumuluha siya. Habang siya'y nakatalikod at nagpapabasa sa ulan. Ayaw niyang may makakita sa kanyang lumuluha. Ayaw niyang may makakita sakanyang nasasaktan. Ayaw niyang malaman ng lahat na lubos siyang naaapeektuhan. Dahil hindi pwedeng malaman ng lahat na meron siyang pakiaalam. Pero nahuli ko na naman siya. Nakita ko naman siya.

Hindi ko siya nilapitan. Pinanood at pinagmasdan ko lang siya. Habang siya, ay parang wala ng balak umalis sa kanyang kinalalagyan. Nakaramdam ako ng lubos na awa at sobra sobrang lungkot. Alam kong sa sarili ko na gusto niya akong lapitan, na may gusto siyang sabihin pero alam ko nakahit kailan di niya ito kayang gawin. Wala siyang kahit isang salitang kayang sambitin sa aking harapan. Lahat ng galaw at iniisip niya ay kailangan kong hulaan. Lahat ng titig niya na kailangan kong mahuli. Lahat ng galaw niya na alam kong may ibig sabihin.

Antagal ko siyang pinag-masdan. Alam kong yun na ang huling beses na magagawa ko yun. Hindi siya lumilingon, pero alam kong alam niya na ako'y nadoon. Alm kong lumuluha siya at ayaw niya itong ipakita. Pero wala akong magawa kung hindi ang tignan siya. Wala akong nagawa kung hindi umiyak sa likuran niya.

Hindi ko alam kung paano nagtapos ang malungkot na araw na ito. Ang alam ko lang kasabay ko siyang umuweng naglakad. Naglalakad siya ng mabilis na animoy wala siya kasabay. Habang ako ay nasa likod lang niya at pinagmamasdan siya. Alam kong sumabay siya sa akin dahil may gusto siyang sabihin. Pero hanggang sa aming paghihiwalay at sa aking paglisan ay wala siyang nasambit kahit isang salita man lang. Kaya tuwing umuulan wala akong naaalala kung hindi siya at ang mga taong lubos kong minahal.



8 comments:

  1. At talagang mas nanghinayang kang iwan "sya" kaysa don sa girlfriend mo.

    When it rains... ang traffic lagi, hassle, ang gulo, ang lungkot!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHA....it's a story of complication..the past and present...it's unclear and uncertaiN...haha..ano daw?

      Delete
  2. Whew! Masyadong ma-drama but I liked it

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madrama ba? Get used to it na. . . baka puro love posts mkita mo dito^^

      Delete