Ano kayang pakiramdam ng may
nanay at tatay? Yung may nakikialam sa lahat ng ginagawa mo. Yung tipong lahat
na lang ng galaw mo may “say” sila. Yung lahat ng kapalpakan mo ajan sila para
sermonan at pagalitan ka. Sa totoo lang, hindi ko alam yung pakiramdam na yan.
Kasi ang na-iimagine ko pag may magulang ka,may nag-aasikaso sa’yo, may
nagluluto sa’yo at may naglalambing sa’yo. Idealistic masyado di
ba?HAHAHA….Kasi ayan lang naman talaga yung gusto kung bakit ko gusto kong
maranasan magka-magulang.
Pero may magulang ako siyempre! Hindi naman ako anak ni Virgin Mary na bigla na lang nabuo. At lalong hindi rin ako si Hesu Kristo. Hindi rin po ako ampon no! At hindi rin namatay ang magulang ko sa plane crash at car accident...HAHAHA… Ang totoo nan naghiwalay sila noong 2 years old pa lang daw ako, dahil nahuli daw ng kapatid ko ang nanay ko na nakikkipag-halikan sa tindahan ni Aling Rosing.
So ayun since that wala na sila.
At naiwan kame sa tatay ko. And to fast -forward everything nagkaroon sila ng
mga sari-sariling lovelife nila at kaming apat na magkapatid ay ipinamigay sa
isang mayamang-mayaman na babae. Dahil sa malamang mahirap lang naman si “papa”,
alam ko naman na di niya kami kayang buhayin. Pero infairness nagawa pa rin
niyang gumawa ng bagong pamilya huh….(HAHA). And this time di na namin kasama
si papa sa iisang bahay.
Pero kung wala pala akong mga magulang eh sino yung nakikialam sa buhay ko? Sino yung atribida? Sino ang kontrabida?
Well, wala naman talaga. Since
bata naman ako as far as I remember di ko naman naranasan na pagbawalan at
kontrolin sa mga gusto ko. Ako ang nag-dedecision kung anong damit ang susuotin
ko at kung ano ang gusto ko. Ako na rin nagpapaligo sa sarili ko since then.
Pag bumibili kami ng gamit sa SM at sa National Bookstore pulot lang kami ng
pulot. Oo lahat ng gusto namin nabibili namin! Para bang just get what you
want, shop all you want.
Hindi lang ako ang nakaranas
neto, pero lahat kaming mag-pipinsan. Ang sinasabe ko nga palang babaeng
umaruga sa amin ay si “Tita A”. Siya ang ang kapatid ng tatay ko. Siya ay Top
19 sa CPA Board Exam nung panahon niya at siya ay Vice-President ng isang
construction company at may-ari ng madameng negosyo. (Yabang no? But that’s the
truth). Oo mayaman siya! Naranasan kong sunduin at ihatid ng ibat—ibang
sasakyan noong nag-aaral pa ako dati. At lahat kaming mag-pipinsan siya ang
bumuhay at nag-paaral, at sa private school pa. In short siya ang bread winner
hanggang extended family. Lahat ng anak ng kapatid niya ay siya ang bumuhay,
pati mismong mga kapatid niya ay siya ang nag spoon-feed.
Kung iisipin niyo ang bait ni “Tita A” noh? Oo naman mabait siya! Financially? Isang big big check! Emotionally? (N/A)… socially? (N/A)..Family? Hindi ko rin masabe.
Kung iisipin niyo ang bait ni “Tita A” noh? Oo naman mabait siya! Financially? Isang big big check! Emotionally? (N/A)… socially? (N/A)..Family? Hindi ko rin masabe.
Ifast-forward na uli natin ang mga pangyayari. Yeah! graduate na ako ng college last year lang. At hanggang pagtatapos ko si Tita A ang dahilan. (Pero kahit isa sa graduation ko since prep til college wala siya pinuntahan). Pakiramdam ko sa lahat ng nag-tapos sa amin ako lang ang nakapili ng kurso ko na gusto ko. Dahil lahat sila kontrolado ni Tita A. Lahat sila si Tita A ang nag-decide kung ano ang dapat nilang kunin. And unfortunately may mga pangyayaring hindi naging maganda at ayaw ko ng i-elaborate pa dahil buhay nila yun.
Wala akong work as of now. (Pero
nagwork na ako before). I applied sa isang company and already signed the
contract but guess what. I was put on hold day before my orientation! Yeah!
Hell yeah, and that’s another story!
So anong kinalaman ni Tita A with
this? Well, with all her resources and connections alam niya lahat ng
nangyayari sa amin. Kumbaga para kaming asa PBB House na lahat ng galaw at
kilos namin alam niya. Para siyang my private investigator na lageng naka-sunod
sa amin at parang laging my spycam sa paligid na lage kaming tinitignan. Pero
ewan ko talaga ambilis niya makalakap ng
chismis.
Nalaman niya na adito lang ako lage sa bahay. Cause she thought August 1 ang start ko sa work ko. And yes I also thought na magsisimula na ako. And kanina lang kinausap ako ng isa kong tita na si “Tita B”, at galit-na-galit na naman daw si Tita A at pati ako kasama sa galit niya. As expected damay-damay na naman kaming lahat. At talagang inexpect ko din na may issue na naman about me.
At ang issue is tamad ako. Na all I want is just stay home at walang gawin. So tell me sinong tao ang gustong mag-kulong lang sa bahay for the whole day? Ofcourse masarap mag-pahinga pero nakaka-bagot na wala kang ginagawa. And she never know the story, di man lang niya ako tinanong what happened. She already jumped to her own conclusion na palabas ko lang ang new work ko. Are you paranoid?(HAHAHA….well ang tono ko dito is hindi galit just fyi)
Mahilig si Tita A na mag-assume agad
sa mga baga-bagay without confirming things and without consulting us muna. She
thinks na alam na agad niya ang lahat bagay at tama na agad ang kutob niya. I
just want to inform you Tita A. I worked for your business just 2 months ago
and I stayed in your house and I was so stressed-out na kasama ka as well as
your “mayor doma” na parang kasing level mo na sa taas. HAHAHA
Well dahil dito naman located sa CALABARZON ang supposed to be na work ko, I decided to stay here sa bahay namin sa Batangas. Yes! Bahay lang naming magkakapatid, na ang nag-pagawa at nag-patayo ay sino pa ba? Kung hindi ang your highness, “Tita A”. Pinatayuan niya lahat ng pamilya ng kanya-kanyang bahay. At masarap ang buhay ko dito dahil walang nangingi-alam sa akin. Walang stress at napaka-payapa ng buhay ko dito.
Sa totoo lang, alam ko naman na Tita A knows best talaga. Without her naman, eh baka muka pa rin kaming mga kawawa. Pero hindi lang talaga ako siguro sana’y na pinapakialaman niya. Lalo pa at hindi naman namin siya kasamang lumaki sa iisang bahay (dahil she lives in a separate house somewhere in Ayala Alabang….<maarte lang..HAHA>). Kaya I don’t think na alam niya ang nararamdaman ng bawat isa sa amin or kung kilala niya ba talaga kaming mga binihisan at pinag-aral niya.
Everyone of us has sentiments towards
her. And I know it. Pero hindi niya alam yun. Kahit gaano niya pa kami
natulungan, it’s not all about that. Lahat kami hiniling na maramdaman ang
pagkalinga niya, but she can never be that person. Masyado siyang tough,
strong, at matatag. She doesn’t know how to be a mother since wala nama siyang
anak. She never know kung paano maging malambing sa amin dahil all this time
para siyang isang ‘BOSS’ pag kinakausap naming. Para kaming nakikipag-usap sa
president ng Pilipinas (With takot and kaba). HAHAHA
Well inspite and despite of everything that happened and I heard this day. I still respect her. Nainis ako sa mga narinig at judgement niya sa akin. But I was relieved now. Kaya Tita A please lang wag mo akong i-stress!HAHAHA…Leave me alone! (JOKE..HAHA) =)
Wow, ang habang rant nito ha. And intense.
ReplyDeleteHmmm. I don't quite know. I think all in all, concerned lang naman siya sa inyo, Cause if she doesn't care kung ano mangyari sa inyo, wala na kayo maririnig sa kanya.
And base sa composition mo, you sound like a child who was scolded by his mother. I'm just saying. :P
Anyways, chill lang. :)
Hahaha....di lamg talaga ako sanay na pinapakialaman at inuusisa...
DeleteWell bata pa talaga ako...HAHA...talagang nabasa mo yan sa haba nan..Haha
1. Ang haba nga!
ReplyDelete2. Naiintindihan ko yung ayaw pakialaman :P
3. Taga-Batangas ako :)
Delete1. Mahaba talaga yan pero nabasa mo
2. Ako di ko pa rin alam kung anong tama..pakialaman?pakialamanan?HAHA
3. Asa batangas ako ryt now...HAHA...pero hindi talaga toh hometown namin...^^
Ang sipag mong magpost ng blog!
DeleteHindi kasi ako masyadong busy...kung pede nga lang magflood dto....kiddin...Haha
DeletePwedeng pwede naman magflood. Lol. Kaya lang ang lumalabas labg sa site ko e yung last post mo. Hehe :)
Delete