Monday, August 12, 2013

#PogiProblems


Habang naglalakad ako kanina sa labas para humanap ng kakainan bigla kong naalala si 'Poy'. Si Popoy na lage kong kasama at katuwang sa mga bagay-bagay. Siya na lage kong kasabay sa pagkaen, at siya na lageng sumasama sa aking pag-iisa. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Ano na kayang itsura nya?


Eto Si Poy noon! Masiyahin, maloko, malakas ang loob at maingay. Marahil hindi halata pero maniwala kayo sa akin siya pa itong magulo at bully sa klase. Mahilig yan mang-asar at gawing katatawanan lahat ng kaklase namin. Oo nakakatawa naman talaga siya, itsura pa lang niya pag nagpapatawa ay bentang-benta na. Aaminin ko punong-puno siya ng kasiyahan, pero alam ko din na madame siyang dinadamdam. Madame siyang tinatagong insecurities at takot sa kanyang loob. Alam na alam ko ang bawat kilos at galaw niya, alam na alam ko kung kelan siya masaya at kelan hindi. Alam ko pag nasasaktan na siya.



Lubos na kilala si Poy sa mga paglalarawan na nabanggit ko, pero ako na kaibigan niya ang lubos na nakakakilala sa kanya. Mas kilala ko pa siya sa kahit sino pa man, mas kilala ko pa siya ng lubos higit sa pagkaka-kilala ng pamilya niya. 

Naalala ko dati ng may niligawan si Poy noong Grade 3 kami. Si Bane! Si Bane na pinaka-maganda at Top 1 sa klase namin. Nagulat ako. Parang ang lakas naman ata masyado ng loob niya para ligawan ang dilag na ito. Kung pede ko lang sabihin sa kanya na "Poy! Wag ka masyadong mangarap ng mataas eto ka lang oh". Pero di ko nagawa, hinayaan ko lang siya sa gusto niya.

Madalas bigyan niya ng kung ano-ano si Bane palibhasa may kaya naman sila. Araw-araw may regalo siya kay Bane. At eto yung mga gamit ng kapatid niya na palhim niyang kinukuha at pinupuslit may maibigay lang kay Bane.

Nakikita kong masaya si Bane sa mga natatangap nito galing kay Poy. Galante si Poy. Minsan may pagsulat din siya ng liham para lang ipakita ang lubos na paghanga niya kay Bane. Hanggang noong isang araw ay sinulatan din siya ni Bane. Alam kong excited siya at alam ko din naman na para sakanya yung liham. Sa harapan niya lang naka-upo si Bane. 

Kita ko kung gaano kahaba nag sulat sa kanya ni Bane at alam kong kinikilig na si Poy. Inabot sa kanya ni Bane ang liham. Hinintay ko lang ang magiging reaksyon ni Poy. Pero wala akong nakita kung hindi lungkot sa kanyang mga muka.

Alam ko na sa umpisa pa lang hindi na siya gusto ni Bane dahil alam ko naman na si Louis ang gusto nito. Si Louis na bestfriend ni Poy. Oo! Iisa lang sila ng tipo sa babae at iisa lang ang mga nagugsutuhan nila. Si Louis na kakompetensya niya sa lahat ng bagay pero alam ko na lageng talo si Poy. Pero hindi nasisira ang pagkakaibigan nila dahil parehas nila itong pinahahalagahan.


Lumipas ang mga taon at lumipat na ng paaralan si Bane. Hindi naman naging si Bane at Louis. Alam ko naka-move on na siya at isang alaala na lang ang lahat sa kanya.

Simula ng maheart-broken si Poy kay Bane ay hirap na siyang ipagtapat yung damdamin niya sa mga babaeng nagugustuhan niya. Natatakot na siyang umibig at alam ko yun. Bumaba ang tingin niya sa sarili niya. Alam naman niyang wala siyang laban kahit kanino. Hindi siya magandang lalaki, maitim siya, payat at higit sa lahat maliit pa.

Wala namang nagkakagusto kay Poy. Kaya imbis na lumablayf siya, pinagbuti na lang niya ang pag-aaral niya. Naging Top 4 siya sa klase at naging magaling sa math at english. Naging magaling na magtatalumpati si Poy sa aming paaralan. Naging sikat siya dahil sa mahusay niya na pagtugtog ng piano. Si Poy ang pinaka magaling tumugtog ng piano sa paaralan. Kaya simula nito madame ng humanga sa kanya. Madameng mga kaklase niya ang nagkagusto sa kanya. Hindi lang isa pero madami ang nagtapat ng paghanga sa kanya.

Nakita ko ang saya sa mukha ni Poy tuwing nararamdaman niya na madaming nakaka-appreciate sa talento  at galing niya. Pero nakikita ko pa rin sa kanya ang takot at insecurities, dahil sa panlabas na anyo niya.

Naalala ko ng may babaeng nagka-gusto kay Poy at 1st year na kami noon. Mae ang pangalan niya. Oo gusto niya rin ito. Sino ba naman hindi magkakagusto sa matangkad na dilag. Mayaman na, may class pang kumilos, at higit sa lahat matalino at matangkad. Kahit nga ang bestfriend niyang si Louis may gusto na naman dito.

Mahigit isang taong na naging MU sila ni Mae. Hanngang dumating ang panahon na ipinagtapat na ni Mae ang nararamdaman niya kay Poy. Gusto niyang maging nobyo si Poy. Sinabe niya ito ng harapan kay Poy. Lahat ay kinikilig at hinihintay kung anong magiging kahihinatnan ng lovestory nila. Aaminin ko madameng babae ang nagselos pero maraming kaibigan rin ang natuwa dahil sa wakas after almost 2 years ay magiging sila na.

Pero iba ang nangyari. Lubos na nanlumo ang lahat ng nakita nilang umiiyak si Mae. Walang makapag-patigil sa kanyang pag-iyak. Lahat ay naki-simpatya dahil sinaktan ni Poy si Mae. Sinaktan niya ang ang damdamin ng babaeng epitomiya ng pagiging perpekto sa paaralan.

Nakita ko ang takot sa mga mata ni Poy. Nakita ko ang pagkabalisa. Alam kong hindi siya naiintindihan o maiintindihan ng iba. Kahit ako ay hindi siya naintindihan. Walang nakakaalam ng tunay na mga nangyari sa pagitan nila. Ang alam ng lahat nasaktan niya ng lubos si Mae. 

Pero unti-unti kong naunawaan ang lahat. Unti-unting naging klaro ang lahat. Alam ko na ako lang lang ang nakakaalam at nakakramdaman sa lahat ng pinagdadaanan ni Poy. Ako lang ang makakaintindi sa kanya.

Si Poy ay walang bilib sa sarili niya, at natatakot  siyang umibig at muling iwanan. Alam ko na lage niyang kinukumpara ang sarili niya kay Louis at sa ibang lalake na mas higit sa kanya. Alam ko na alam niya na kahit kailan ay hindi sila magiging bagay ni Mae, at kailan man ay hindi magiging maganda at tanggap sa mata ng mapanuring lipunan.

Alam na alam ko na may sariling dahilan si Poy. Alam ko rin na mahal niya si Mae. Pero hindi alam ng lahat na walang lakas ng loob si Poy para maging nobyo si Mae, dahil ang tingin niya sa sarili niya ay isang pangit at maliit na lalaki na hindi nababagay sa isang perpektong dilag na tulad ni Mae.

Oo! Duwag si Poy! Wala siyang kuwentang tao. Lahat ng kaklase namin ay nagalit sa kanya. Lahat ay tinalikuran at hinusgahan siya. Naawa ako kay Poy dahil ang mga natitirang mga bagay na nagpapalakas ng loob niya ay onti-onti ng nawawala.

Nawala ang mga taga-hanga niya, nawala ang mga nagkakagusto sa kanya. Nawala na rin pati ang kakaunting tiwala na natitira sa sarili niya. 

Simula noon  ay hindi ko na nakita si Poy. Bigla na lang siyang nawala. Wala ng balita ang lahat sa kanya at hindi na rin ito nagparamdam kailan man.

Kaibigan ko si Poy at alam ko lahat ng nangyayari sa kanya at mangyayari. Hindi man alam ng iba pero alam ko lahat ng nararamadaman niya. Alam ko kung anong iniisip niya. Alam ko kung asaan siya at kung ano ang ginagawa niya.


Eto na si Poy. At isa lang ang alam ko, matatag na siya at hindi na duwag. Matapang na siya at alam kong nahanap na niya ang kanyang sarili. Alam kong meron na siyang paninindigan at tiwala sa kanyang sarili. At di ako nawalan ng pag-asa na balang araw si Poy ay matututo sa kanayang kahinaan at kanyang mga pagkakamali. Ito ang kwento ni Poy. Ang kuwento ko. Ang kuwento namin ni Poy. 

10 comments:

  1. Nice story with good use of words. Tama, walang mangyayari kung palaging laman ng isip natin ang mga kahinaan natin. Kelangan mas isipin natin kung paano natin gagawing assets ang mga iyon. :)

    ReplyDelete
  2. Popoy! May hint ako sa una kung sino si popoy pero naisip ko na baka mali ang hinala ko. Haha. Medyo nagoyo ako sa gitna pero naconfirm sa huli. Ayos ang foreshadowing! :)

    Usually di ako nakakabasa ng mahaba. Natapos ko to ng di ako nagskip read. Haha! Congratulations sa akin. At sayo. LOL

    ReplyDelete
  3. HAHA...Ano bang inexpect mo?^^.. Well I'm happy kahit mahaba yan pinagtyagaan mo. And about my writing skill continue criticizing lang.. madame pa akong dapat matutunan^^

    ReplyDelete
  4. This post reminds me of the movie "crazy lil thing called love" boy version nga lang.

    ReplyDelete
  5. Well, we all go through changes amd challenges and the impprtant thing is that in end we have improved. Congratulations. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. And at the same time never ever forget to look back=)

      Delete
  6. the way I see it, its a story of the Frog that turned into a Prince, its just that the Princess in you story pertains both to your experience & outlook in life.
    Great to know that you have more confidence now. Just stay positive and don't forget to smile.
    Apir!

    ReplyDelete