Tuesday, August 13, 2013

Sphygmomanometer . . .


Hindi lahat ng pagtibok ng puso ay nangangahulugan na ikaw ay umiibig. Hindi lahat ng pagpintig nito ay nangangahulugan na ikaw kinakabahan o natatakot. Minsan may pag-galaw ang ating puso na hindi natin maipaliwanag. Mga pintig at tibok na bigla na lang nating nararamdam sa tuwing may naaalala tayong mga bagay, tao, o pangyayari na nagpapaalala ng ating nakaraan. Ang nakaraang pilit nating ibinabaon sa limot, mga pangyayari na sana ay hindi na maulit pa, mga taong sana ay hindi na natin makita pa. 

Baka nga takot at kaba itong aking nadarama, sa tuwing nananariwa ang mga larawan ng nakaraan na aking itinapon na. Pero hindi! Imposible! Sigurado akong lahat ng emosyong ito ay natapos na.

Pero ano ito? Ano itong pakiramdam na ito na nagiging sanhi ng aking lungkot? Sanhi ng aking pighati at takot. Ano itong idinulot ng nakaraan na tila ay araw-araw ng nagiging bangungot?


Galit! Aaminin ko ito ay galit. Galit na pilit kong itinatago at ikinukubli. Salita at emosyon na pilit kong binubura. Pakiramdam na pilit kong pinagtatakpan. Ang galit na pilit kong iniiwasan. Dahil sa tuwing ito ay aking nararamdaman, wala akong magawa kung hindi manariwa sa lahat ng sakit at hirap na iyong paulit-ulit na pinadama.



10 comments:

  1. Nostalgic.

    Someone's being haunted by the past.

    ReplyDelete
  2. Kala mo biglang tumibok ang puso mo dahil sa pag ibig, yun pala lukso ng dugo kasi sya yung nawawala mong kapatid/kamag-anak! hahaha! Pero oyy meron talaga nyan. :)

    Ang sakit nga ng goodbye na nasa picture!

    ReplyDelete
  3. Mas masakit na malaman na high blood ka pala....HAHA..

    Bakit Pao Kun relate ka?=)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas masakit ang tagihawat sa loob ng ilong.

      Delete
    2. I doubt mas masakit ung mlapit sa lips....HAHAHA

      Delete
    3. Pareho lang ang intensity ng sakit ng tagihawat sa dalawang yan.

      Delete
    4. kaso di ko pa naranasan yan eh. . kaya no comment muna...HAHA

      Delete
  4. Sabi nila "You know you're loving too much when you're hurting so much."

    "ouch" tong post na to! hahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. damang-dama bah?HAHA..

      pero agree ako sa sinabe mo^^

      Delete