Sunday, March 30, 2014

When It's Not About You Anymore


Nakakalungkot makita na yung taong mahal na mahal mo o yung taong minahal mo ng sobra-sobra ay nalulungkot at nasasaktan.

Nakakalungkot isipin na wala kang magawa dahil kaibigan ka na lang niya o dahil estranghero na lang kayo sa isat-isa.

Pero wala ng mas lulungkot pa pag nalaman mo na hindi na ikaw ang dahilan ng kalungkutan at kasiyahan niya.


Dati-rati masarap sa pakiramdam dahil ikaw yung dahilan ng pagkalungkot niya.. dahil may pinagseselosan siya.

Pero masakit yung katotohanan na kahit anong sakit pa yung nararamdaman niya hindi mo na siya pedeng lapitan at yakapin  para damayan pa.

Hindi na kasi ikaw yung makakatulong sa kanya.

At hindi na rin ikaw ang makakapag-pagaan ng loob niya.

Ang magagawa mo na lang ay umantabay at maghintay na sana mawala na yung sakit na nararamdaman niya.


At kasabay nito . . .

. . hinihiling mo rin na sana mawala na yung sakit na nararamdaman mo. . 

. . dahil alam mo sa sarili mo na hindi na ikaw . .

. . .na “It’s Not About You Anymore”.


4 comments:

  1. There there enric. Lif has its way on working out itself. Rather God has His way on working with your life in ways unfathomable and incomparable.

    ReplyDelete
  2. moving on, easy to say yet hard to do..

    ReplyDelete
  3. Masakit ding mabasa na ang mga status niya ay hindi na patungkol sa'yo. Na hindi mo na maintindihan ang lahat dahil ayaw mong mag-assume na ikaw pa rin. Masasaktan ka lang. :(

    ReplyDelete